Kung gusto mong palaguin ang iyong ipon, investing ang isa sa mga pinakamagandang paraan para gawin ito. Kaya naman marami ngayon ang mga bagong investors na nag-iinvest ng kanilang pera para lalo itong lumaki.
Ngunit ano nga ba ang dahilan kung bakit ang ilan sa kanila ay nalulugi? Alamin ang mga pagkakamali ng mga bagong investors para maiwasan mo ang mga ito.
NOT INVESTING EARLY AND RESEARCHING
Ang unang pagkakamali ng mga bagong investors ay ang hindi pag-iinvest ng maaga. Mas mainam kung maaga pa lang ay makapagtabi ka na ng pera para habang tumatagal ay lumalago rin ito. Okay rin naman ang pag-iipon, pero kumpara sa investing ay maliit lang ang tubong makukuha mo rito.
Dapat rin ay pag-aralan munang mabuti ang iyong investment. Tanungin ang sarili kung talagang nababagay ba ito sa ‘yo. Alamin ang risk factor dahil kadalasan, nilalagay ng mga bagong investor ang lahat ng kanilang ipon sa isang lugar lamang. Kaya’t imbes na kumita, sila ay nalulugi pa.
NOT BEING PATIENT AND PAYING ATTENTION TO RISK
Isa rin sa mga pagkakamali ng bagong investors ang hindi pagiging pasensyoso. Napaka-importante ng patience pagdating sa investing dahil kailangan mong mag-antay bago kumita ng high returns ang iyong pera. Hindi ito nakukuha nang overnight lamang.
Katulad ng nabanggit ko kanina, kailangan mo ring alamin ang risk factor ng iyong investment. Pag mas mataas ang kita, kadalasan ay mas mataas din ang risk factor nito. Dapat handa ka kung sakaling may mangyaring sitwasyon na ‘di mo inaasahan. Halimbawa ay ang pagkalugi ng negosyo or ang pagbagsak ng stock market.
NOT ADJUSTING AND SEEKING FOR HELP
Ang dahilan kung bakit nalulugi ang mga bagong investors ay hindi nila sinusunod ang sarili nilang path. Gumagaya lamang sila sa investment styles ng iba. Ang tamang way ng investing ay based sa iyong personal choice, decision, at strategy.
Isa pang pagkakamali ay hindi rin sila humihingi ng tulong sa iba. Matutong magtanong ng iba-ibang strategies para makakuha ng bagong insights. Importante ang patuloy na learning habang nag-iinvest ka. At ang huling pagkakamali ng mga bagong investors ay hindi sila willing mag-adjust.
Investment journey is a process. Dahil diyan may mga sakripisyo kang dapat gawin para lumago ang iyong long term investments. Isa na doon ang pag-aadjust ng iyong lifestyle. As much as possible ay magtabi ka ng portion ng iyong salary kahit maliit man. Yun ang gagamitin mo para sa iyong investment.
“The moment you stop working, you stop earning. But you don’t stop spending.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Nag-umpisa ka na bang mag-invest?
- Paano mo i-aadjust ang lifestyle mo para makapagtabi ng para sa investment?
- Sa paanong paraan mo palalaguin ang iyong long term investment?
Watch my YouTube Video:
Paano Iwasan Ang 8 Biggest Mistakes of New Investors
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.