Kapag may sumingit sa kalsada:
“Hoy! @#$%%^% lagot ka sa akin!
Kapag natapakan sa mall:
“Miss tignan mo naman dinadaanan mo!”
Nagkamali yung kaopisina mo:
“Ako na nga diyan! Ang dali dali lang eh!”
Pag-uwi sa bahay:
“Pagod ako okay? Huwag mo muna ako kausapin!”
Uy friend, ang init naman ata ng ulo natin?
Kulang na lang ihagis natin yung
lamesa, upuan, o vase sa galit ah?
‘Pag hinawakan ang ulo puwede na
lutuan ng itlog sa sobrang init!
Relax lang.
Kasi kapag sinalubong natin ang problema
ng init ng ulo, ay baka hindi na
natin masolusyunan ito.
Bakit?
Kasi wala eh, negative na tayo.
Puno na ang isip natin ng galit
at inis— wala ng space ang positivity.
Wala na ring focus.
Kapag tumataas na ang ating emosyon,
tandaan na…
BAKA MAKASAKIT TAYO NG IBA
(Photo from this Link)
“Eh siya naman nauna eh!”
“Kasalanan niya naman ito.”
“Oh bakit ako? Eh siya ‘tong naningit.”
Nandun na ako.
Nasaktan tayo.
Naagrabyado tayo.
Pero kapag sinabayan natin
habang kainitan ng issue
nako believe me, maanghang pa sa sili
ang lalabas sa ating mga bibig.
Kapag malapit na
mapigtas ang ating pisi, isipin na lang natin na:
Paano kung yung taong yun
ay may mabigat na problema?
Paano kung kaunti na lang
susuko na siya sa buhay?
Paano kung dahil sa sinabi natin
mawalan na siya ng gana pumasok?
Maaaring totoo maaaring hindi,
pero at least, we became selfless
in our own little way.
Nagpaubaya na lang tayo at
pinagbigyan ang nangyari..
Iyan ang tunay na matured.
DIVERT YOUR ATTENTION
(Photo from this Link)
Imbis na sumigaw sa naningit sa atin
lakasan na lang ang radyo at mag sound trip.
Kapag natapakan sa mall
isipin natin na NAPAKA SIMPLENG bagay lang niyan…
Smile and just keep walking.
Kung hindi naging maganda ang araw sa opisina
‘pag uwi, idaan sa pagluluto o kaya
akapin kaagad si mister o misis para kumalma.
Kung may nasabing hindi maganda ang ating kaibigan
isipin na lang na baka hindi naman sinasadya.
Nuod na lang ng TV or itulog na lang.
Magiging okay din ‘yan.
You see, napakasimple ng buhay.
Huwag nating hayaan ito lang ang
maging sentro ng araw natin.
Mahirap makatulog, mahirap mag focus.
There are a lot of ways to be happy about.
Madaming pwede gawin at isipin.
We just need to look for it and
learn how to appreciate it.
PINAPALAKI LANG NATIN ANG PROBLEMA
(Photo from this Link)
Alam n’yo yung kanta ng Eraserheads na:
“Maliit na butas, lumalaki, konting gusot, dumadami?”
Yes, ganyan na ganyan kapag
mas naging matimbang ang init ng ulo natin.
I’ll give you a scenario.
- Umuwi ka sa bahay mainit ang ulo
dahil hindi naging maganda ang araw sa opisina. - Sinigawan mo ang asawa’t mga anak.
- Nasigawan ka rin ni misis dahil nagulat siya.
- Hindi na kayo nag-usap hanggang sa pagtulog.
- Gumising ng walang kibuan.
- Dinala ang problema hanggang opisina.
- Nasigawan ang mga katrabaho.
- Hindi naging productive asi magulo isip.
- Naapektuhan ang performance.
- Pinatawag ng boss.
And the list goes on and on.
It’s a domino effect.
Meaning, madaming tao at bagay
ang maaapektuhan kapag hindi
tayo nag kontrol ng emosyon.
Kung meron tayong kinakaharap
solve it one at a time.
Kung makakatulong na may makausap
go ahead, share it to them
para gumaan ang pakiramdam.
Huwag solohin.
Or better yet,
HUWAG SERYOSOHIN!
Always choose to be happy and positive.
Sayang ang buhay
para mamuhay ng may galit at tinik
sa dibdib.
“Ang init ng ulo ay walang magandang maidudulot.
Piliing maging masaya at positibo at huwag gawing kumplikado.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Sinong kinaiinit ng ulo mo ngayon?
- Bakit? Anong ginagawa sa ‘yo nung tao?
- Paano mo ito haharapin ng hindi nakakasakit ng iba?
=====================================================
IPON KIT
Click here now: chinkeetan.com/iponkit
1 Ipon kit 450 +100sf
1 Ipon Can + 1 Ipon Diary + 1 Diary of a Pulubi
Or
4pCs Ipon Can + 4pcs My Ipon Diary + 4pcs Diary of a Pulubi
P1,200 FREE SHIPPING!
Click here now: chinkeetan.com/iponkit
IPON DIARY:
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“5 SIGNS TO KNOW IF YOUR MARRIAGE IS HEALTHY”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2LEyILK
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.