Feel mo bang pinagdadamutan ka?
Parang iniiwas sayo ang ginhawa?
Sa paanong paraan?
For example:
- Kumikita na sila, ililihim pa kung paano nila ito nakamit.
- May magandang strategy sa paghanap ng pagkakakitaan, pero sasarilihin lang nila.
- Nakabayad na ng utang, pero tikom ang bibig kung paano nila ito nagawa na pwede din sana natin gawin.
Selfish people do not like sharing their knowledge with others.
“ME, MYSELF, and I” ang mantra nila sa buhay.
How do we deal with this?
HUWAG PERSONALIN
(Photo from this Link)
Kung may idea na ipinagdamot sa atin, we shouldn’t take it against that person.
Sa halip, intindihin kung ano ang hugot o pinagmumulan ng passion at drive ng taong ito.
Matinding pangangailangan ba kaya all out kumayod?
May gusto patunayan sa sarili o sa boss kaya pursigido?
BE RESOURCEFUL
(Photo from this Link)
Nakabayad siya ng utang dahil may ginawa siya.
Na-promote siya dahil madiskarte siya.
Check what you have done so far to resolve the issues you’re currently facing.
Sa trabaho, kung kulang ang effort at knowledge, dagdagan.
Research, ask for advice, apply and see what works.
HELP OTHERS, TOO
(Photo from this Link)
“Ano kamo? Tutulong pa ‘ko sa iba eh sarili ko nga ‘ di ko matulungan.”
Nakakasama ng loob na tumulong lalo na tayo mismo eh hindi pa ‘graduate’ sa problema.
Pero isipin natin na the more we help, the more we will be blessed with wisdom and grace para malagpasan ang pinagdadaanan.
“Give what you can and you shall receive what you deserve in God’s time.”
-Chinkee Tan. Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- May kinaiinggitan ka ba?
- Anong ipinagdamot sayo ng kakilala mo?
- How did you deal with this, nagalit ka ba o ginawa mong motivation?
*********************************************
To learn more on how to become wealthy and debt-free, please subscribe to my YOUTUBE channel by clicking this link https://www.youtube.com/chinkpositive
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.