Hindi naman talaga mahirap ang buhay. Mahirap lang talaga ang mabuhay lalo’t wala kang hanapbuhay o kung meron man, hindi sapat ang naiipon mo para mabuhay ka nang walang tinik sa dibdib. May mga pagkakataon na ang sinasahod natin sa isang buwan ay hindi sapat para sa araw-araw nating pangangailangan. Pero lahat naman tayo ay naghahangad yumaman, ang tanong sa ating financial situation ngayon, kaya ba natin?
Hindi madaling yumaman, pero sa tamang diskarte at disiplina ay maari itong mangyari. Maaring umabot ng ilang taon pero ang importante ay sigurado. May mga tao na nagsisimula sa wala pero dahil sa pagiging madiskarte at masikap nila ay umunlad sila.
Narito ang tatlong klase ng income na makatutulong sa iyo upang maging milyonaryo:
Munggo o Short-Term Income
And short-term income o daily income ay iyong sa ilang araw o sa maikling panahon ay kikita ka na. Katulad ng munggo na kapag tinanim ay maari ka ng magkaroon ng ani sa loob ng ilang araw. Kaya mahalaga na tayo ay magkaroon ng short-term income. Maaring ang kikitain mo mula dito ang iyong gamitin panggastos para sa araw-araw na pangangailangan gaya ng pagkain, pamasahe, o paggastos sa iyong mga anak.
Maraming paraan kung paano ka makakahanap ng pang-daily income. Maari kang mag-sideline or magbenta ng mga bagay tuwing weekend. Ang pagkakaroon ng tindahan ay isang paraan sa kung paano ka magkakaroon ng araw-araw na kita.
Gulay o Medium-Term Income
Kahalintulad sa gulay, ang medium-term income ay iyong kikitain o aanihin mo sa loob ng isang buwan. Makukuha mo ito sa pamamagitan ng ‘monthly income’ o ang sweldo mo sa loob ng isang buwan. Kung meron kang sapat na daily income, pwedeng hindi mo na galawin ang iyong medium-term income at i-dagdag para sa long-term income.
Mangga o Long-Term Income
Ang long-term income ay hindi mo kaagad makukuha. Katulad ng punong mangga, ang bunga nito ay hindi mo maaani kaagad. Maaring umabot ng isang taon o dekada bago mo makuha ang income na ito. Pwede kang magsimula sa pamamagitan ng pag-invest sa stock market, mutual funds, o properties.
Mahalaga na maayos at tama ang iyong pipiliing investment para sa long-term income. Isa sa mga magandang ideya para dito ay ang pag-invest sa mga properties. Kung magkakaroon ka ng mga bahay na paupahan ay maari kang kumita ng malaki. Mahalaga na maging madiskarte, masikap at matiyaga upang mas umunlad ang iyong buhay.
“Ang paghahanap buhay ay hindi kasing dali ng pagbilang ng 1-2-3. Kaya dapat maging wais sa bawat perang kikitain.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY
- Anu-ano ang iyong mga pinagkakakitaan ngayon?
- Anong klaseng income ang meron ka?
- Paano mo mapalalago ang iyong long-term income?
PISO PLANNER + 4 FREE Diary of a Pulubi, My Ipon Diary, My Badyet Diary and My Utang-Free Diary are back!
Get these for only 499+100SF!
Click here to order: http://bit.ly/34x6Lzh
Watch my YouTube Video:
3 Types Of Income Everyone Must Have To Become Rich
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.