Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • FREE Resources
  • Videos
  • Invite Me

ILAW NG TAHANAN

May 12, 2019 By Chinkee Tan

Ngayong araw ng mga ina, handog natin sa kanila
ang espesyal na araw na ito para sila ay
mapasalamatan at mabigyan ng karangalan sa mga ginagawa nila.

All around nga raw ang pagiging ina, chef, accountant,
teacher, referee, designer, manager, nurse,
best friend at marami pang iba.
Kaya saludo ako sa mga ilaw ng tahanan.

Hindi man madali na dalhin tayo sa kanilang sinapupunan,
ito ay kanilang kinakaya para maging ligtas
tayo sa ating pagsilang.
Kaya nararapat lamang na ipagmalaki natin sila.

Sila na ating ina at ilaw ng ating tahanan at ng ating buhay.
Sila ang mga natatanging tao na makukuhanan
natin ng lakas sa panahon kapag tayo
ay dumadaan sa pagsubok.

Dahil ang mga ina ay..

MAUNAWAIN

(Photo from this link)

“Naiintindihan ko ang iyong pinagdadaanan sa buhay.”
“Gusto mo bang pag-usapan ang iyong problema?”
“Huwag mo nang intindihin ‘yan, ako na bahala.”

Ilan lamang ito sa mga naririnig natin mula sa isang ina.

Alam na alam nila kapag may pinagdadaanan tayo
sa buhay at nakagagaan ng loob na may nasasandalan tayo.

Sila ang unang tao na alam nating uunawa at hindi tayo huhusgahan.
Kahit may pagkakamali tayo, alam nila kung
paano tayo didisiplinahin na may pag-unawa pa rin.

Kaya tayo ay blessed dahil binigyan tayo ng Panginoon ng
mapag-unawa na ina na bukas at malawak ang pag-iisip
at laging ikabubuti natin ang priority nila at pangarap nila.

Hindi man tayo perpektong anak, hindi nila tayo hinahayaan
at pinapabayaan sa buhay natin dahil lagi silang nakabantay
at sinusubaybayan ang ating paglaki dahil ang mga ina ay

MAARUGA

(Photo from this link)

May kanya-kanyang paraan ang bawat ina pero lahat
sila ay nagpapakita ng pag-aaruga sa kanilang mga anak.
at lagi nilang inisip ang ating kaligtasan at kalusugan.

Kaya kahit minsan ay hindi natin naiintindihan ang nangyayari,
lagi nating tatandaan na tayo ang kanilang unang
iniisip at laging inaalala para maging maayos ang ating buhay.

“Kumusta ang pakiramdam mo?”
“Kailangan mo ba ito?”
“Sa susunod, mag-iingat ka na.”

Hindi man natin mahanap ang kasagutan sa lahat ng
tanong natin sa buhay, ang ating ina ang nagpaparamdam
sa atin na magiging maayos din ang lahat.

Sila ang nagiging inspiration at motivation natin upang
gawin ang tama at mabuti hindi lamang para sa atin
kundi para rin sa kanila upang masuklian natin dahil sila ay

MAPAGMAHAL

(Photo from this link)

Lagi nilang iniisip ang magiging kinabukasan natin kaya
kung dati, ama lamang ang kumakayod sa pamilya,
ngayon ay tumutulong na rin ang ina sa paghahanapbuhay.

Mahal ng bawat ina ang kanilang pamilya at hindi lamang
anak ang kanilang iniingatan kundi pati ang kanilang asawa
at ang kanilang sarili dahil mahalaga rin ito sa pamilya.

Alam natin na ang mga bawat ina ay may mga pagsubok
din sa buhay kaya mahalaga na lagi nilang maalala at
maramdaman na mahal natin sila at mahalaga sila.

Ang kanilang pagmamahal sa kanilang mga anak at
sa buong pamilya ay ang pagpapaalala sa atin kung gaano din
tayo kamahal ng Panginoon dahil binigyan Niya tayo ng ina.

Kaya tayo ay magdiwang dahil sa araw ng mga ina,
maaalala nating muli kung paano umunawa, magpahalaga
at magmahal nang buong puso at higit pa sa ating sarili.

“Lahat tayo ay isinilang sa mundo ng may pagmamahaldahil nagmula tayo sa ina na taimtim na nagdasal sa Maykapal.”
–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anong katangian ng iyong ina ang iyong pinakahinahangaan?
  • Paano mo pinaparamdam sa iyong ina ang iyong pasasalamat at pagmamahal?
  • Gaano kahalaga sa buhay mo ang iyong ina?

====================================================

WHAT’S NEW?

KNOW THE SECRETS ON HOW I MADE MY FIRST MILLION IN DIRECT SELLING for only P499

To register, go to http://bit.ly/2PJoBIZ     

CHINKTV ALL ACCESS (8 ONLINE COURSES) for only P1,598 instead of P7,990To register, go to https://lddy.no/8vbk

Ipon Pa More
How to Retire Before 50
Be A Virtual Professional
Secrets of Chinoypreneur
Benta Benta Pag May Time
Become A Master Prospector
Happy Wife Happy Life Live Seminar
Happy Wife Happy Life Online Course
Juan Negosyante: Negosyo Now, Asenso Later
Online Negosyante (NEW!)

ONE YEAR Access!


IPON PA MORE KIT DIGITAL for only P899 instead of P1,098
To order, go to  https://lddy.no/8wsr

IPON PA MORE KIT BOXSET for only P899 instead of P1,349To order, go to  https://chinkeetan.com/ipmkit

=====================================================

Table of Contents

Toggle
  • NEW VIDEO
  • CHINKEE TAN SHOP

NEW VIDEO

“IPONARYO TIPS: KAILAN MO GUSTONG KITAIN ANG FIRST MILLION MO?” Click here to watch➡➡➡https://youtu.be/ftpDnauy9Gc  

To register, go to https://lddy.no/8vbk
=====================================================

CHINKEE TAN SHOP

Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit

Iponaryo Planner Kit: chinkeetan.com/iponaryoplanner

Moneykit with 12 books FREE: chinkeetan.com/moneykit

Other products: chinkshop.com

Other online courses: chinktv.com

Chinkee Tan

Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.



Submit a Comment



Filed Under: ilaw Tagged With: Badyet, Badyet Diary, Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines April 19, 2024
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update) April 19, 2024
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity April 19, 2024
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines April 19, 2024
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024 March 1, 2024
  • LET GOD April 12, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update)
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024
  • LET GOD

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2025 · chinkeetan.com · Team Positive Inc.