Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • FREE Resources
  • Videos
  • Invite Me

IKAMAMATAY BA NATIN?

June 24, 2018 By Chinkee Tan

ikamamatay

Minsan ka na bang nahikayat ng mga sale?
Makita mo lang yung karatulang:

  •      Buy 1 Take 1
  •      50% Off
  •      Independence Day Sale

…hindi ka na makatanggi at dali-daling
maglalabas ng pitaka o credit card?

May mga oras bang tinatawag ka ng amoy
ng mga pagkain? Hinahatak na parang may magnet
at connection kayong dalawa nung ikaw ay dumaan?

“Hindi ako makakatulog kapag hindi ko nabili yun!”
“Ang ganda talaga! Ikamamatay ko ‘pag nawala yun!”
“Bahala na, ‘di pwedeng ‘di ko mabili ito!”
“Magsisisi ako kapag ‘di ko natikman ‘yan!”

Hindi pwedeng hindi mabili?
Ikamamatay?
Hindi makakatulog?
Magsisisi?

‘Di nga, KaChink?
Grabe naman kung ganito ang pananaw natin
para sa isang materyal na bagay,
pagkain o inuming wala sa budget.
Ibig bang sabihin, ito na lang ang ating
iisipin at dito na lang iikot ang ating mundo?

Huwag naman.

Maaring gustong gusto nating bilhin, andun na ako,
pero kung kapos na at saktong sakto lang
ang pera, tandaan:

HINDI NATIN ITO IKAMAMATAY!

Kaya okay lang na talikuran ito.
“Paano, Chinkee? Tulungan mo kami please!”

Table of Contents

Toggle
  • KONTROLIN ANG SARILI ikamamatay
  • PALIPASIN ANG ISANG LINGGO ikamamatay
  • TIGNAN KUNG ANONG MERON KA ikamamatay
  • THINK. REFLECT. APPLY.
  • IPON KIT
  • IPON DIARY:
  • DIARY OF A PULUBI
  • NEW VIDEO ON YOUTUBE
  • MONEYKIT

KONTROLIN ANG SARILI ikamamatay

ikamamatay(Photo from this Link)

Para itong bisyo na alam naman nating
hindi makabubuti sa ating bulsa.

Magastos na, masisimot ang pera, tapos
pagsisisihan pa sa huli.
Kung alam naman nating hindi importante
o kaya hindi kailangan… Walk away!

Kung pwedeng, ‘wag na
dumaan sa mall o du’n sa restaurant
kung saan matatagpuan ang paboritong kainan,
huwag na. Pigilan ang mga paa at mata!

Huwag tayo aasa sa iniisip nating:
“Titingin lang ako, pramis!”
“Kaya kong dumaan na hindi natetempt!”

Nako, sabi lang natin yun.

Mas magandang umiwas na sa una pa lang.
Huwag na natin i-test ang ating sarili
at baka mahulog pa tayo sa kamandag nito.

PALIPASIN ANG ISANG LINGGO ikamamatay

IKAMAMATAY(Photo from this Link)

Yes, isang linggo.

Kung may nakita o nagustuhan,
bitawan muna ito at palipasin ang isang linggo,
and you will realize na bugso
ng damdamin lang pala iyon.

Syempre bago, mura, o mukhang masarap.
Pero sa dami ng kaganapan sa buong linggo,
makalilimutan na rin natin iyon.

We will also realize na may iba na naman tayong gusto.
Kasi ang totoo, hindi naman talaga
natin gusto o kailangan… nadala lang tayo
ng ating nararamdaman at that moment.

Ulit-ulitin lang ito:
“Bugso lang ng damdamin ito!”
“Hindi ko ‘to kailangan!”
“Hindi ko ikamamatay kapag hindi ko nabili ‘yan”

Sabay bitaw.
Believe me, masasalba ang wallet mo. Haha.

TIGNAN KUNG ANONG MERON KA ikamamatay

ikamamatay(Photo from this Link)
  •      May nasusuot ba tayo?
  •      Kumakain naman ng agahan hanggang hapunan?
  •      Gumagana pa naman ang cellphone?
  •      Hindi pa naman pudpod o natatanggal ang swelas?
  •      Ang bag na gamit ay matibay pa?

Oh… PWEDENG PWEDE PA ‘YAN!

Kumpleto naman pala tayo eh
kaya dapat hindi na muna tayo
naghahangad ng mga hindi kailangan.

Okay lang kung mapapag-ipunan,
pero for now, habang saktong sakto,
eh maging kuntento na lang muna tayo.

Kung gusto talaga,
ibenta yung mga luma para kaunti na lang
ang kailangang pag-ipunan at hindi
kailangang ipangutang pa.

Huwag mangolekta.
lahat ng brand, style, uso,
o lahat ng meron ang kaibigan eh
dapat meron din tayo?

Hindi dapat gano’n.
Isa-isa lang.
Mamuhay lang ng simple.

“Ang pagbili ng mga hindi kailangan ay hindi natin ikamamatay.
Kaya matutong umiwas at humindi dahil kaya naman.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  •      Ano yung isang bagay o pagkain na gustong gusto mo bilhin na hindi mo malilimutan?
  •      Kung susubukan mong talikuran, ikamamatay mo ba?
  •      Paano mo ito iiwasan lalo na kung hindi naman kailangan?

=====================================================

IPON KIT

Click here now: chinkeetan.com/iponkit
1 Ipon kit 450 +100sf
1 Ipon Can + 1 Ipon Diary + 1 Diary of a Pulubi

Or

4pcs Ipon Can + 4pcs My Ipon Diary + 4pcs Diary of a Pulubi
P1,200 FREE SHIPPING!
Click here now: chinkeetan.com/iponkit

IPON DIARY:

Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“BUSINESS TIPS: Learn before you Start a Business”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2Khk5Os

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

Chinkee Tan

Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.



Submit a Comment



Filed Under: Personal Development, Productivity, Progress Tagged With: Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Pulubi

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines April 19, 2024
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update) April 19, 2024
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity April 19, 2024
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines April 19, 2024
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024 March 1, 2024
  • LET GOD April 12, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update)
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024
  • LET GOD

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2025 · chinkeetan.com · Team Positive Inc.