Single Blog

I Am Thankful And Grateful

I THANK ALL PEOPLE WHO BELIEVE IN ME BECAUSE YOU ENCOURAGE ME

Have you ever been taken for granted?
Ano ang feeling kung ikaw ay nakatulong pero hindi ka pinasalamatan?

May mga taong naniwala sa kakayahan mo, talento mo at husay mo. Sila yung mga taong sumusuporta sa iyo in any way and in every way. They are like boosters. Lalo mong hinuhusayan ang trabaho mo dahil sa mga taong ito na may bilib sayo.

Nakakalungkot man isipin, minsan, yung mga taong naniniwala at sumusuporta sa atin ang siya pang hindi natin nabibigyan ng oras at pahalaga.

We should treasure these people who believe in our capability. The question is, how can we be thankful and grateful for them?

Here???s how:

LET THEM KNOW

Affirm and appreciate them. Let them know how you feel towards them. Be as creative as you can. Yayain mo minsan mag-kape o kaya mag-fishball and let that person know how grateful and thankful you are for his/her support to you. Minsan kasi deep in our hearts we are thankful and grateful for these people, pero ang problema, sa sobrang busy natin nakakalimutan na nating bumalik man lang sa kanila para magpasalamat. Huwag tayong mahiya na ipahayag kung ano man ang nararamdaman natin. So pause for a while and let those people know that you are grateful and thankful for them.

NEVER TAKE THEM FOR GRANTED

Ika nga e, malalaman mo daw ang value ng isang tao kapag wala na ito sa iyo. Huwag mong hintayin na mawala at maubos ang mga ganitong klaseng tao sa buhay mo. Value and take care of the relationship. Ituring mo silang kayamanan. Huwag mo silang balewalain at isanabin. These people are hard to find.

NEVER ABUSE THEM

Never ever use them for your own sake. Hindi porket bilib sila sayo at sumusuporta sila sayo, sasamantalahin mo ito.

Don???t abuse their goodness and kindness to you.
A healthy relationship involves not just taking but giving too.
May mga taong nagbibigay sayo ng financial support, don???t abuse that sa pamamagitan ng walang hanggang paghingi. Huwag palaging pakabig, magbigay ka din.

I just want to take this opportunity to thank and appreciate those people who believes in me. Mga taong walang sawang sumusuporta sa akin sa iba???t ibang paraan sa abot ng kanilang makakaya. Without you, wala ako sa kinalalagyan ko ngayon. I will be forever grateful to the Lord for all of you.

THINK. REFLECT. APPLY.

Pinasalamatan mo na ba ang mga taong naniniwala at sumusuporta sayo?
Do you value them or you take them for granted?
Do these people know that you appreciate them?

Comments (0)

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link