Gusto sana silang yakapin, pero namaalam na sila.
Nais sanang humingi ng tawad pero hindi na nila naririnig.
May plano sanang bumawi para maiparamdam kung gaano sila kahalaga sa atin pero wala na sila.
Ito na yata ang isa sa pinaka-miserableng #hugotlines in this lifetime.
Maiksi lang kasi talaga ang buhay.
Ang masakit na-re-realize lang natin ito kapag huli na ang lahat.
May ibang nawalan ng mahal sa buhay dala ng aksidente.
Ang iba, bigla lang nang-iwan dahil nakahanap ng iba.
Losses can be in different forms.
Pero ang gusto nating iwasan ay ang pagkakaroon ng pagsisisi.
Ayaw natin magkaroon ng regrets.
Alam kong walang perfect formula for that pero baka makatulong if we:
BE PURPOSEFUL
(Photo from this Link)
Prioritize what truly matters.
Bago pa gawin ang isang bagay, isipin kung bakit ito ginagawa.
Will it convey the message you want to send?
Kapag malinaw na kung bakit at para kanino ginagawa ang isang bagay, mas klaro ang direksyon na dapat sundin.
MAKE TIME
(Photo from this Link)
Tigilan na ang “busy-busyhan” mode.
Isingit sa schedule ang mga taong pinahahalagahan mo.
Do not make them wait.
Hindi kailangan ng special occasion para magkaroon ng bonding session.
Minsan nga ang mga pinaka-ordinaryo o mundane na bagay ang pinaka-meaningful.
APOLOGIZE FOR MISTAKES COMMITTED
(Photo from this Link)
Alam naman natin kung naka-offend tayo ng mahal sa buhay.
Don’t give in to your pride.
Humingi ng tawad sa mga pagkukulang at pagkakamaling nagawa.
“Hindi lang pera ang dapat i-budget, maging ang oras ay dapat pahalagahan dahil hindi na ito pwedeng balikan”
-Chinkee Tan, Wealth Coach Philippines
THINK. REFLECT. APPLY
- May mga loved-ones ka bang nabalewala?
- If yes, how do you make up to them?
- Do you know what truly matters to you?
===========================================================================
To learn more on how to become wealthy and debt-free, please subscribe to my YOUTUBE channel by clicking this link http://bit.ly/2uQMhEb
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.