Single Blog

HUWAG MAGING GREEDY!

“Money, money, money
Must be funny
In the rich man’s world”

Who does not want to earn more money? Wala naman masama na kumita ng pera.

Pero marami na akong nakitang mga buhay at pamilya na nasira hindi dahil sa kapos ang kinikita dahil sa sobrang laki nang kinikita ay nakalimutan na ang pamilya. Some are so driven to become successful and rich, they forgot the reason why they are working and who they are working for at the first place.

Pero dapat maunawaan natin at malaman yung limitasyon kung ikaw ba ay sumosobra na:
Sumosobra ka na kapag ihing-ihi ka na, di ka parin marunong mag-CR break.
Sumosobra ka na kapag kapag ang breakfast mo ay nagiging lunch and lunch mo tine take mo during dinner.
Sumosobra ka na kapag napagkakamalan mo ang misis mo ay kliyente mo.
Sumosobra ka na kapag nabubulong mo pa rin ang pangalan ng katrabaho mo kapag ikaw ay nanaginip.
Sumosobra ka na kapag nagmumukha ka nang pasas imbis na ubas dahil sa sobrang stress.
Sumosobra ka na kapag nakakalimutan mo na kung anong araw ngayon at ang birthday ng mga mahal mo sa buhay.

Ika nga, work in moderation.
Lahat naman kasi ng labis ay hindi nagdudulot ng maganda.
Labis na pagkain ay nagsasanhi ng pagiging over weight.
Labis na paggastos ay nagsasanhi ng pagkakautang.
Labis na pagtrabaho ay nagsasanhi ng over fatigue.

At the end of the day, how much food can you eat in an all you can eat meal.
How many cars do you need in order for it to bring you from point A to B?
How many houses should you buy in order for you to feel you are accomplished?

We must learn how to live a life of balance.
Work hard when you go to work but play hard when you are with your love one.
Always remember, when we go home; we must give what is NOT LEFT OF US but we must give is BEST OF US.

THINK. REFLECT. APPLY.

Are you already falling under the category on working too much?
Do you still spend quality time with your love ones?
If not, tell me, how much is enough?

give-always-your-best-not-what-is-left-of-you

Comments (0)

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link