Isang araw na lang ay mag ce-celebrate nanaman tayo ng–oops hindi lang eleksyon, kundi Mother’s day.
May plano ka na ba para sa iyong nanay?
Nakapag isip ka na ba kung paano mo mapaparamdam na sila ang bida sa araw na iyon?
Sa ating asawa, Lola, Nanay, Mama, Mommy, Nanang, Inay, o kahit ano pa ang tawag natin sa kanila, they all deserve something extra special on this day.
How can we show our love and appreciation for them?
TREAT THEM OUT
Do you remember how they always bring you to places just to bond with you when you were younger? Gumagawa sila ng paraan at naglalaan ng oras para maipasyal lang tayo. Walang pagod na ginagawa nila para mapasaya lang tayo.
Alam ko na may sari-sarili din tayong mga pamilya.
Ano naman ang masama kung mag effort lang tayo kahit isang araw sa isang taon ng ipagkaloob natin ito sa ating ina.
Make them feel na itong araw na ito, ikaw naman ang bahala sa lahat.
Plan a day out and take them to places na magugustuhan nila or where they’d feel relaxed like sa spa, salon, or park.
COOK FOR THEM
In my case, I love to cook. Pwede mo rin gawin ito, personal na, mas matipid pa. The joy of knowing na ikaw ung umeffort na naghanda at hindi pa kasama doon yung masasayang kwentuhan at magandang alaala.
HIndi lang sila mabubusog sa pagkain kundi pati sa pagmamahal.
SHOWER THEM WITH HUGS AND KISSES
Ngayong malalaki na tayo, karamihan ng iba sa atin ay nahihiya ng maging affectionate o “cheesy” sa ating mga nanay–but they miss that!
When you see them on this day, why not turn the table upside down and just do it. Alam niyo, there’s nothing that a kiss and hug can’t do to show how much we love them and how thankful we are for having them in our lives.
Sabayan niyo na din ng:
“Ma, thank you po sa lahat!”
“Nay, hindi man ako expressive pero gusto kong sabihin na mahal ko kayo”
MAKE TIME & GIVE UNDIVIDED ATTENTION
Usually, we are preoccupied with work, studies, and other distractions kaya kadalasan eh nahihirapan tayong ibigay ng buong buo ang oras natin sa kanila.
Halimbawa, pagkabati ng Happy Mother’s day, biglang:
- Tingin sa cellphone at magche-check ng facebook
- Text ng text
- Nuod ng TV
- Haharap na sa laptop at magtatrabaho
Give your full attention to them this time. Bitawan mo muna lahat ng wala namang kinalaman o yung mga bagay na nagdudulot ng gap sa inyo.
Let us make an effort to honor our mother today. Because this is the only time of the year that we get to actually give them a break and thank them for everything–sa lahat ng pagod nila, pag aaruga, at pagmamahal mula noon hanggang ngayon na minsan ay nakakaligtaan na nating gawin.
THINK. REFLECT. APPLY.
Do you have plans today?
Have you given your attention to your mother lately?
How can you show your love to her this mother’s day?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Do you appreciate this article? Check on these related posts:
- An Open Letter To All Single Dads and Moms
- Happy Wife Happy Life 7
- MAHIRAP MAGING ISANG OFW
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.