Napagbintangan ka na bang kumuha ng gamit o pera?
Nasisi ka na ba sa kasalanang hindi mo naman ginawa?
Nabiktima ka na ba ng “maling akala”?
Hindi mo maiiwasang mangyari ito sa opisina o maging sa sarili nating pamamahay. Nananahimik ka, pero bigla nalang may lalapit sa iyo para magbintang na wala namang basehan.
Nakakainis!
Nakakasira ng araw at ang napakasakit pa rito, ay kung nagmula ito sa mga taong natulungan at minahal mo.
Ang tendency tuloy, nagkakaroon ng lamat ang samahan na pwedeng mauwi sa sigawan at pasahan ng sisi.
Paano nga ba hina-handle ang maling bintang?
DON’T REACT
RELAX lang. Breathe IN. Breathe OUT. Huwag agad-agad
mag-react, lalo na kung alam mong wala ka namang maling ginawa.
Ang pumatol sa bintang, defensive ang dating. Magmumukha ka lang aggressive, which will only make you look guilty.
Let cooler heads prevail, ‘ika nga. Kapag kumalma na, then that’s the time you can start talking.
SPEAK THE TRUTH
Kung ano lang ang alam mo, ‘yun lang. Huwag mo nang lagyan ng palabok o ‘yun bang added stories just to get the person’s sympathy.
“Chinkee, eh paano kapag ayaw pa rin niya maniwala?”
In my humble and honest opinion, you cannot force someone to believe you. It’s a person’s prerogative kung maniniwala siya sa iyo o hindi.
Ang mahalaga, nasabi mo ang side mo with all honesty.
LET THE RUMOR DIE
“Hahanapin ko kung sinong nagkalat niyan.”
“Humanda siya sa akin.”
“Gaganti ako para maranasan niya ang hassle ng ginawa niya.”
As much as we want to find out the root cause and main source ng pagbibintang at intriga, sayang lang ang oras na gugugulin natin at hindi malayong makakagawa lang tayo ng hindi maganda because we are angry and frustrated with the person.
Kung hindi totoo ang bintang sa iyo, MOVE ON. It might take a long time for rumors and intrigues to die down, pero the reality is, mawawala din iyan. For now, focus on what you need to do and keep yourself busy para hindi ka mag-dwell sa sama ng loob mo.
REGAIN YOUR SELF-CONFIDENCE
When these things happen, hindi natin maiiwasang mawalan ng gana at bumaba ang self-confidence dahil sa mga sinalubong at sinalo nating masasakit na salita galing sa kanila.
You don’t need to sacrifice your own happiness. Again, maling bintang iyon, so you don’t need to worry about anything.
THINK. REFLECT. APPLY.
Napagbintangan ka na ba noon?
Paano mo hinarap and issue at ang taong nag-akusa sa iyo?
Have you forgiven the person for it?
–Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help? Check on these other related posts:
- How To Handle A Fair-Weather Friend
- HAPPY WIFE, HAPPY HUSBAND
- How to Fight Clean in Your Marriage
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.