Single Blog

How To Earn Other People’s Respect

RESPECT IS MORE IMPORTANT THAN RICHES

Naranasan niyo na bang makasama ang isang taong parang walang tiwala sayo? Hindi ka masyado sineseryoso, pinapansin o pinapakinggan sa tuwing may gagawin ka o may sasabihin? Eh minsan ba eh, na-discriminate ka na dahil sa iyong ethnic background, kulay, gender, edad, o pinaggalingang lugar?

???Hindi mo kaya mag-lead ng team kasi bata ka pa.???
???Naku sigurado babae nagmamaneho niyan, ang bagal eh!???
???Sa probinsya ka grumaduate, eh di hindi niyo pa napag aralan yun????
???Ayoko ng idea mo, baka kung saan mo lang kinuha yan.???

Sa totoo lang, hindi natin maiiwasang mainis kapag may mga taong nambabastos sa atin. Hindi mo tuloy alam kung aware ba silang nakakasakit na sila o sadyang sanay na sila sa ganyang klaseng pag uugali.

Pero ganun pa man, hindi ito rason para maghiganti o magtanim tayo ng sama ng loob because the more you do that, the more you won???t earn their respect. Prove them wrong by doing something positive about it.

Paano nga ba makuha ang respeto ng iba?

WALK THE TALK

People will respect you if they see something good in you in terms of how you work, how you deal with problems, and the people around you.

Hindi ikaw yung tipong tamad, happy-go-lucky, impolite, or offensive in any way dahil alam mo sa sarili mong hindi maganda ito. Instead, you show workmanship, good work ethics, calmness, appreciation and dignity.

It???s the way you handle everything which will catch their attention.

CONSISTENCY IS KEY

It is not enough for you to do it once but they key is to be CONSISTENT. Doon nagkukulang ang karamihan; magaling lang sa umpisa pero di naman tinatapos. Pinabu-bukas na lang, sa dalas ng delay at ito na ang naging nakasanayan.

You won???t earn respect if you don???t follow through on what you???ve started. If you want to gain it, kung may gagawin ka, just do it???no but???s, no if???s, dahil para sa???yo importante ang bawat oras at alam mo ang kahalagahan ng pagiging consistent.

GO AGAINST THE FLOW

Hindi porket iyon ang ginagawa ng lahat eh yun na din ang gagawin mo kasi you just want to please them.

NO – a person who is respected has a mind of his own. Kaya niya panindigan at hindi nagpapadala sa temptation o kagustuhan ng iba.

Halimbawa:
???Sige na susubukan mo lang naman eh.???
???Bilhin mo na yun, lahat kaya kami meron na nun.???
???Bukas na yan, kami nga pauwi na oh.???

Kung hindi mo gusto at pakiramdam mong hindi tama, just say NO. Huwag mong isipin na you???ll be left out. Once they can see and prove that you are a man of your word, and you stand up for the values that you believe in, you???ll be respected for it. They may even imitate you kapag nakita nila ang point mo.

THINK. REFLECT. APPLY.

Are you trying to gain the respect of others?
Ano kayang dahilan sa tingin mo?
Ano ang natutunan mo sa blog na ito?

Comments (0)

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link