Single Blog

How To Deal With Favoritism At Home Or At Work

DO YOUR BEST AND GOD WILL DO THE REST

Nararamdaman mo ba na hindi ka importante sa pamilya mo o sa trabaho mo? Yung ume-effort ka naman, madami ka namang napatunayan na, pero yung iba pa din ang nakikita? Kulang na lang kumain ka ng bubog at tumulay sa alambre.

Sumasama ba ang loob mo at feeling mo you are being treated unfairly?

Hindi mo matatanggal that there will be times when we will feel useless and unimportant.
Imbis na magtanim tayo ng sama ng loob o mainis sa mga taong involved because of ???favoritism??? or imbis na mag self-pity party at ma-depress, bakit hindi nalang natin i-channel ang energy natin sa mabuting bagay?

HOW TO DEAL WITH FAVORITISM?

TAKE IT AS A CHALLENGE

Yes, I know how it feels na hindi ka binibigyan ng credit kahit ano ang gawin mo. But instead of giving up and letting it affect you, use it as a motivation and ask yourself how you can improve further at ano ang gagawin mo para lalo ka pang gumaling.

Kilala mo naman ang sarili mo, hindi ba? Embrace the things that you can do and the qualities that you have and use it to succeed. Wait for the right time. Sooner or later meron tao at pagkakataon at merong makakapansin sa iyo. Do not worry for your time will come.

TALK TO YOUR FAMILY OR MANAGER

Let us give others the benefit of the doubt. May mga ibang tao na medyo mabagal lang ang pick up. Hindi nila napapansin na ikaw ay apektado na. Let them know in a nice way or at least give them a hint.

You can be polite and ask, ???Sir anong area po kaya ang kailangan ko pa i-improve para maabot ko yung goal ko????

In this manner, mapapansin din nila na ikaw ay determinado din at may gustong maabot sa iyong career at buhay.

AVOID BLAMING THE FAVORED

???Ikaw nanaman! Epal ka talaga eh!???
???Ikaw yung hadlang kaya hindi ako napapansin!???
???Lagi na lang ikaw! Ikaw! Ikaw!???

Wala naman silang kasalanan kung sila yung napapaboran sa pamilya niyo o ng boss niyo, dahil hindi naman nila hiningi itong advantage na ito. This is the last thing you want to do. Instead of becoming bitter, this situation should make you better. This should bring out the best in you. Ask yourself, ano bang pwede mong gawin to become better?

THINK. REFLECT. APPLY.

Ikaw ba ay nakakaramdam na may favoritism sa inyong pamilya o trabaho?
How are you dealing with this?
Ano ang pwede mong gawin para hindi mo ito masyado dibdibin?

Comments (0)

GET YOUR VIDEO NOW!

Enter your email address below and we'll send you your video through your email.
GET ME THE VIDEO!
We promise we will never spam you. We hate spam
close-link

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link