Meron ka bang kapatid o kahit sinong miyembro ng pamilya na hindi maasahan sa bahay? Sinasalo mo na lahat ng gawain pero siya ay deadma pa riin? Pagod na pagod ka na eh hindi man lang matutong mahiya.
Tulog-Kain- Nood-Tulog- Kain- Nood (Repeat)
Minsan nakakasama ng loob yung mga taong ganito. Kasi lahat naman tayo ay may iba’t ibang priorities at pinagkakaabalahan, tayo pa minsan ang inaasahan nila na gumawa ng gawaing bahay.
Ano bang pwedeng gawin kapag may mga tao tayong kasama na ganito?
CONTROL YOUR TEMPER
There are times na nagagalit tayo sa kanila, nagpaparinig, o nagdadabog dahil nagbabakasakali tayo na sa paraang ito eh baka makonsensya sila at magbago. Unfortunately, it doesn’t work that way.
We can only control ourselves, but not others. Hindi natin hawak ang sitwasyon, ang kilos at kanilang pag iisip.
Wala talaga mangyayari, maiinis lang tayo lalo.
Control what you can, let go and let God do what He can.
Accepting this fact will allow us to feel a little better, not bitter.
TALK TO THE PERSON
Alam man niya na pabigat siya dahil sa kanyang ugali, it’s best na magkausap kayo para masabi mo ang iyong nararamdaman. Hindi kasi natin sigurado kung ano ang dahilan kung bakit siya ganon. Maaring may problema siya, may iniisip, o kung ano man.
Bago tayo sumuko ng tuluyan, bigyan pa natin ng huling pagkakataon na ilagay natin ang ating sarili sa kanilang lugar.
Be calm and don’t immediately judge as you talk kasi baka mas lalo siyang hindi magsabi sayo.
Whatever the reaction is, at least napakinggan mo ang kanyang hinaing at nasabi mo na sa kanya ang gusto mong sabihin that might change his or her behavior.
PRAY THAT GOD WILL CHANGE THE PERSON
Sabi ko nga kanina, you can’t change people, only God can do that.
God can change a heart of stone into a heart of flesh.
Just do what you have to do..continue to be reliable, dependable, and a good role model, because this will serve as an inspiration to them and allow God to work in their hearts.
THINK. REFLECT. APPLY.
Sino yung kasama mo sa bahay na hindi maasahan?
How do you deal with this?
Paano mo ito haharapin na hindi nawawala ang iyong respect at values towards them?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help? You can also check on these other related posts:
- How To Deal With A Rude Person
- SINUNGALING! SINUNGALING! SINUNGALING!
- DING! ANG BATO…GAN MO NAMAN!
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.