Single Blog

How To Be Productive Even When Stuck In Traffic

TRAFFIC KA BA INUUBOS MO KASI ANG AKING PATIENCE

Araw-araw ka bang naiipit sa traffic?
Lagi bang umiinit ang ulo mo dahil feeling mo, sayang ang oras?
Iniisip mo pa rin ba kung anong pwedeng gawin para naman hindi ka masyadong mainip?

New normal na ang heavy traffic, kaya this shouldn???t stop us from being productive.

Hindi porke’t nakatigil tayo, hihinto na rin ang mga pwede nating pagka-abalahan.

Instead of ranting or whining about the traffic, baka lang gusto niyong subukan gawin ang mga ito para mabawasan ang wasted energy:

READ A BOOK OR LISTEN TO A PODCAST

Remember those days when we wanted to start reading a book, pero hindi natin masimu-simulan? Pagka-uwi kasi natin sa bahay, kain tapos diretso pahinga na.

Well, this is the time to read that book.

Traffic can be considered as a lull time o ‘yun bang, wala tayong ginagawa kung hindi umupo at maghintay.

It would be nice kung magdadala tayo ng kahit maliit na libro and read a few pages or so. You can also listen to motivational and inspirational podcasts to change your mindset about things in life.

GO OVER YOUR “TO-DO-LIST”

  • Attend a meeting.
  • Presentation at 1PM.
  • Answer 150 emails.
  • Go to the supplier.

Seeing these things on our list is one of the best ways to maximize your time during traffic.

Sometimes kasi, pilit natin mine-memorize ang mga gagawin natin.
Isang malaking benefit sa pagsusulat ng tasks na kailangan nating gawin ay para ito’y hindi makalimutan at mapaghandaan ng maayos.

PRAY AND MEDITATE

Traffic can serve as your quiet time with God.

Sa bawat blessing na natatanggap natin, sa mga maling nagawa, o di kaya???y, sa mga gusto nating ipagdasal at hilingin, this is the perfect opportunity to say…

  • THANK YOU.
  • I’M SORRY.
  • YOUR WILL BE DONE.

…na nakakalimutan nating gawin because we???re always preoccupied with a lot of things.

God understands how busy we are, but above anything else, we must always pray to Him – no matter how hectic our schedules are.

THINK. REFLECT. APPLY.

Anong ginagawa mo usually kapag stuck ka in traffic?
Nanghihinayang ka ba sa oras na nasasayang lang sa kakaupo?
How can you be more productive para walang oras na masayang?

Comments (0)

© Copyright 2016 - Team Chink Positive - All Rights Reserved Designed By LGA
GET YOUR VIDEO NOW!

Enter your email address below and we'll send you your video through your email.
GET ME THE VIDEO!
We promise we will never spam you. We hate spam
close-link

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link