Single Blog

How Not To Become A One-Day Millionaire

SIKAPIN MAGING MILLIONAIRE FOREVER HINDI LANG FOR A DAY

May mga kilala ka bang “one-day millionaires”?
‘Yung bang sumweldo lang ng kaunti, laman agad sila ng mga malls at ng mga bars?

Kapag may nahawakan ka bang malaking pera sa ‘di inaasahang pagkakataon, all-out kaagad? Nauubos ba ang perang pinaghirapan mo sa loob lamang ng ilang araw o linggo?

Hindi mo ba mapigilan na magpakasarap sa buhay?

“Bakit, Chinkee? Masama bang mag-enjoy at magpakasarap?”

Not at all! As long as may naititira ka sa kinikita o sinusweldo mo at hindi mo sinusunog ang pinagpapaguran mo sa loob lamang ng ilang araw.

All of us aspire to become successful and rich. Lahat tayo ay gustong umunlad at gumanda ang pamumuhay, walang duda.

Pero minsan, kung gaano kabilis ang dating ng pagpapala, ganoon din ito kabilis maubos.

Minsan nga, nandiyan na ang pagkakataon. Pero once na meron na tayong malaking income, hinahayaan natin ang mga sarili nating malunod sa tagumpay at sa isang iglap, mawawala itong bigla.

Bakit kaya may mga taong hirap na hirap pigilan ang kanilang sarili sa paggastos? Bakit kaya may mga “one-day millionaires”?

WANT TO REWARD THEMSELVES

Sila ‘yung mga napapagod o nagpapakapagod magtrabaho para kumita pero, naka-mindset na gusto nilang rewardan ang kanilang mga sarili ‘pag lumabas na ang fruits of labor.

‘Yun nga lang, sa sobrang aliw at saya, nakakalimutan nila ito at sumosobra ang kanilang pag-celebrate.

Ang isa pang dahilan kung bakit nahihirapan tayong magpigil ay dahil sa ating kinagisnan na kabataan.

NOT-SO-PRIVILEGED BACKGROUND

Sila ‘yung maraming napagdaanan na mapapait na nakaraan, challenges sa buhay, hindi pinagpala, at nabigyan ng pagkakataon na lumaking may magandang buhay.

They often say:
“One day, kapag nagkapera na ako, bibilhin ko ang lahat ng ito.”
“Kapag mayaman na ako, bibilhin ko ito para sa pamilya ko.”

Kaya kapag natupad ang pinapangarap, ito na ang takbo ng isip…
“THIS IS IT! ITO NA ‘YUNG PAGKAKATAON KONG MAKAPAGHIGANTI!”

At sa sobrang pagkasanay, hindi namamalayan na…

NAG-UPGRADE NA NG LIFESTYLE

Bili dito, bili doon – without counting the consequences or the negative effects that it will cost them.

Lahat ng hindi nabibili ay binibili mo na.
Lahat ng hindi nakakain ay kinakain mo na.
Lahat ng hindi napupuntahan ay pinupuntahan mo na.

Halimbawa:
Dati naman, okay lang sa atin ang walang aircon. Pero noong magkapera, bumili ng aircon dahil biglang hindi na matiis ang init sa gabi.

Dati naman, tuyo o ‘di kaya???y kanin na may mantika at konting asin, solb na solb na tayo. Nang magkapera, hindi na marunong lumingon sa pinanggalingan at ang gusto ay ‘yung magaganda at masasarap na pagkain lang.

Again, mga kapatid…walang problema sa pag-uupgrade dahil kailangan rin natin ito to improve at maramdaman ang pinaghirapa. PERO, be very careful of what you want to try.

Dapat afford natin ito, kayang i-sustain, at hindi ubos-biyaya. We should be good stewards of God???s resources o sa mga bagay na ipinagkatiwala sa atin. Kung gusto natin na tayo???y pagkatiwalaan muli, alagaan natin ito.

Tandaan niyo na ang pera ay HINDI NABUBULOK, kaya relax lang.
Think of ways to save more money and not think of ways to just spend it.

Think IPON, not GASTOS.

THINK. REFLECT. APPLY.

Naranasan mo na rin bang maging isang one-day millionaire?
Anong klaseng upgrade ang ginawa mo?
Kapag dumating muli ang ganitong pagkakataon, anong pagbabago na nais mong gawin?

Comments (0)

GET YOUR VIDEO NOW!

Enter your email address below and we'll send you your video through your email.
GET ME THE VIDEO!
We promise we will never spam you. We hate spam
close-link

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link