Single Blog

A NEW HOPE

Hope

Are you already losing hope?

Ayaw mo na ba ituloy ang laban dahil pagod na pagod ka na?

 

Sa dami ng mga pinagdadaanan natin sa iba’t-ibang aspeto ng ating buhay minsan ang hirap maisip na something good will ever come out of  it.

 

Pero kailangan nating maniwala na may positibong outcome na naghihintay sa atin. Dahil ang problema at solusyon tandem iyan.

 

After matanggal sa trabaho

MAKAKAHANAP din ng pagkakakitaan.

 

After tayong iwan ng mahal natin

MAY DARATING din na para sa atin.

 

After magkasakit

GIGINHAWA din ang pakiramdam.

 

After malubog sa utang

MAKAKABANGON muli.

 

Bakit ito mahalaga?

 

IT GIVES US HOPE

Hope

(Photo from this Link)

Kapag naniwala tayo na may magandang mangyayari sa atin pagkatapos ng pagsubok mas lumalawak ang isip natin to think of more ways kung paano natin malalagpasan ang problema.  That is HOPE. 

 

We get to understand more what’s happening

 

  • Nawalan ng trabaho? Bukas na bukas mag-apply sa iba.
  • Ipit sa utang? Mag-iisip ng sideline.

 

Dreamers never stop aiming for what they want— that’s the beauty of it.

 

IT MAKES US STRONGER

Hope

(Photo from this Link)

Tinitibayan nito ang loob natin na kahit gaano pa ka-bigat hinding hindi tayo mag papa-apekto at magpapa-tumba.

 

Para itong vitamins na kapag ininom palalakasin tayo lalo.

Para din itong kape nagpapagising ng diwa.

 

Believing makes us alive again.

 

IT STRENGTHENS OUR FAITH

Hope

(Photo from this Link)

Sa panahong walang-wala na tayong matakbuhan naniniwala tayong nandiyan ang Panginoon na kailanman hindi tayo pababayaan.

 

Mangyari na ang mangyari pero haharapin natin ito ng walang takot dahil Siya ay naka-alalay at may mas magandang plano para sa atin.

“Ang problema ay natatapos sa SOLUSYON.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anong problemang pinagdadaanan mo ngayon?
  • Ano ang positive result ang pinaniniwalaan mo?
  • Ano ang iyong problem solving techniques para matapos na ito?

=================================================================

WHAT’S ON YOUTUBE:

“Estudyante Negosyante” 

Click now to watch: http://bit.ly/2eQBgs0

Comments (0)

Post a Comment

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link