Nakakita ka ng cell phone sa jeep na sinakyan mo, anong gagawin mo?
What if kung may bad breath ang kaibigan mo, anong gagawin mo?
Sobra ang sinukli sayo ng cashier sa grocery, anong gagawin mo?
Pinipilit ka ng kaklase mong pakopyahin mo sya ng assignment nyo, anong gagawin mo?
Araw-araw humaharap tayo ng samu’t saring karanasan na susubok sa ating katapatan. From small to big deals, being honest is one of the greatest challenges that we can face daily.
“Chinkee, napakahirap talaga maging honest.”
Bakit nga ba napakahirap maging honest?
Maybe some of us think that whenever we are being honest, nalalamangan tayo dahil hindi sila patas lumaban. Paano ka mananalo sa buhay kung hindi ka rin mandaraya?
Pero sa totoo lang!
Kung ikaw ay nagiging dishonest, ikaw din ang sobrang lugi. Bakit?
Kapag naka-graduate ka sa school ng puro kopya at pandaraya, sino ang nawalan?
Kapag gumamit ka ng timbangang may daya, paano ka magkakaraoon ng suki?
Kapag puro kasinungalingan ang nakalagay sa resume mo, sinong niloko mo?
Kapag gumagamit ka ng jumper sa Meralco, sino ang mapapahamak sa huli?
If you are struggling with honesty, allow me to share these important points:
WHAT YOU SOW, YOU’LL REAP
Kung nakalusot ka, nakalamang o nakapandaya, siguradong mayroon itong balik sa iyo. Hindi man ngayon o bukas pero sa mga susunod na panahon siguradong aanihin mo ang pagiging hindi tapat. Kung tapat ka naman in all your dealings and in everything you do, di mo man maramdaman ang reward mo kaagad, siguradong bukas makalawa, aanihin mo ang bunga ng iyong honesty.
GOD IS WATCHING US
Hindi ka man nahuli, nabuko o nakita ng tao, siguradong kita ka ng Diyos. Kahit saan tayo magtago, makikita Niya. Iniisip pa nga lang natin, alam Niya na. He knows even the motives of our hearts.
Ayaw nating dinadaya at nilalamangan tayo. Sino ba naman ang may gusto nun? Kung ayaw natin na gawin ito ng iba sa atin, huwag din nating gawin sa kapwa natin. If we want people to be honest with us at all times and in every thing, we should also be honest to others. Ngayon, kung may mga tao na dishonest pa rin sa kabila ng pagiging tapat natin sa kanila, don’t worry, may Diyos na nakatingin sa kanila. Hindi natutulog ang Diyos at lahat tayo ay magiging accountable sa Kanya.
THINK. REFLECT. APPLY.
Are you honest or dishonest?
Are you struggling to be honest?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did you enjoy this article? You can also check on these other related posts:
- What Kids Can Teach Us About Being Honest
- Consequences of Dishonesty
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.