Sabi nila, home is where the heart is. Kaya dapat, maging matalino sa pagpili ng tahanan, lalo na’t hindi ito basta-bastang investment.
Kaya nga madalas itong maitanong sa akin:
Chinkee, anong mas okay? Bumili o mag-invest sa property?
Chinkee, anong mas okay? House & Lot o Condo?
Naku, mahaba-habang talakayan ito. Pero let’s talk about condo first…
PROS AND CONS NG CONDO
Dala na rin ng urbanisasyon kaya nauso ang mga condo, lalo na rito sa Metro Manila. Hindi rin kasi maikakaila na convenient ang location ng karamihan ng mga condo buildings. Kadalasan kasi ay walking distance lang sa mga restaurant, supermarket, mga sakayan at iba pang mga places of interest. Hindi mo na rin poproblemahin ang seguridad mo dahil 24/7 ay may guard na bantay sa building.
Malaki rin matitipid mo sa entertainment expenses mo dahil sa mga amenities na kasama sa pagtira mo rito gaya ng swimming pool, gym, movie clubs, game rooms, at iba pa. At the same time, low maintenance ito dahil kahati mo ang ibang unit owners sa pagbabayad ng association dues para sa mga common spaces sa building.
Sa kabila ng convenience na dala ng pagkakaroon ng condo, may mga downsides din ito. Since nasa urban area ka, i-expect mo na busy environment ang kinatatayuan ng iyong unit. May times na matagal ang service ng elevator o kaya naman ay maingay ang ibang co-owners mo.
Mararamdaman mo rin na kahit iyo ang condo unit, hindi pa rin ito iyo talaga. May mga rules and regulations ka kasing kailangang sundin. Oo, you will have to follow rules instead of making them. May ibang building na no pets allowed kaya sorry nalang kung pet lover ka. Mataas din ang monthly dues mo, palibhasa ay charged by per square meter ang bill mo. Kahit wala ka sa unit at hindi gumagamit ng kuryente at tubig, they will still charge it to you.
Hindi mo rin basta-basta mare-renovate o macu-customize nang naaayon sa gusto mo ang unit. Kailangan mo itong ipaalam pa sa admin. At kahit gaano pa kaganda ang kasalukuyang kondisyon ng unit at ng building, magde-depreciate o bababa ang value nito matapos ang ilang taon.
PROS AND CONS NG HOUSE & LOT
‘Di gaya ng condo na kailangan mong sumunod sa mga rules and regulations, kapag House & Lot ang binili mo, mararamdaman mong iyong iyo talaga ito. Yes. Your lot, your house, your space, your things, your rules, all yours. May kontrol ka kung anong gusto mong gawin dito, sino ang mga papapasukin mo, at kung ilang pets ang gusto mong isama rito.
Wala mang specified na entertainment area gaya ng condo, pwedeng pwede mo namang ito i-customize sa paraang gusto. You have bigger space plus higit na mas mura.
Pero syempre, may disadvantages din ito gaya ng mataas na maintenance cost dahil ikaw mismo ang responsable sa lahat ng bayarin, hindi katulad ng condo na may mga ka-share ka sa ibang expenses. Depende na lang sa security ng village o subdivision kung nasaan ang house & lot mo, maaaring mas less secured ito kumpara sa condo.
At syempre, dahil mas mura ang mga pabahay outside Metro Manila, posible na malayo ang bahay mo sa commercial areas o sa lugar ng trabaho.
KAYA PAG-ISIPAN MONG MABUTI
Tanungin mo ng paulit-ulit ang sarili mo bago ka magdesisyon sa pagkuha ng condo o ng house & lot.
May sapat na ipon ba ako? Ano ang mas afford kong bilhin nang hindi ako nangungutang?
Kaya ko bang i-maintain ang mga susunod na bayarin?
Accessible ba ang lugar? Maaayos bang mabubuhay ang pamilya ko rito?
Ano man ang piliin mo, ang importante pa rin ay kasama mo sa titirhan mo ang mga taong gusto mong makasama sa iisang bubong araw-araw.
“Home is where the heart is. Kaya sa pag-invest sa tahanan, kailangan mong maging wais!”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang dream home mo?
- Sino ang mga taong gusto mong kasama sa dream home mo?
- Ano ang mga ginagawa mo para ma-afford at ma-achieve ang iyong dream home?
Watch my YouTube video: Ano Ang Mas Maganda Condo or House & Lot?
ARE YOU READY TO EARN PASSIVE INCOME FROM REAL ESTATE?
Introducing: Real Estate 101
Register Now for only 799!
Click here https://lddy.no/cvyq
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.