Single Blog

HINDI PA HULI ANG LAHAT!

Kaunting tulog na lang..

BER months na!

Before you know it, tapos na naman ang taon!

 

Mabilis talaga ang takbo ng panahon.

Grabe, huling limang buwan nalang ng 2017 ang natitira!


Kung ikaw ang tatanungin,

Kamusta naman ang takbo ng buhay?

Ano na mga na-accomplish mo?

May pagbabago ka na bang na-achieve?

 

“Naku Chinkee, nakaka-pressure naman, wala pang nangyayari sa akin – rock steady tayo.”

 

Hindi ko intensyong ma- pressure ka.

Sa halip, gusto kitang i-encourage.

HINDI PA HULI ANG LAHAT para:

 

SUMUBOK

 

(Photo from this Link)

Kung hindi pa napo-promote sa trabaho sige lang.

Don’t stop pushing yourself dahil darating din ang pagkakataong ikaw ang magtatagumpay.

 

Kung hindi pa nakakabayad sa utang go lang ng go sa paghahanap ng additional income.

Matatapos din ‘yan.

 

Kung hindi pa nakaka-quota sa sales okay lang.  

Ika nga sa bisaya, PADAYON!

Tuloy lang at subukan matutunan at pag-igihan ang strategy.

 

MANGARAP

(Photo from this Link)

Saan ba nagsisimula ang magandang buhay? Sa pangarap.

Huwag mong pigilan ang lawak at saklaw ng imahinasyon at gustong mong maaabot.

Walang imposible sa taong determinado.

 

Set a goal.

Planuhin kung paano ito makakamit at huwag lilihis ng daan.

 

HUMINGI NG TULONG

(Photo from this Link)

Kung noon kinakaya natin ang lahat  mag-isa, now is the time to ask for help. Bakit?

 

Hindi aandar ang sasakyan ng walang gulong.

Hindi maluluto ang ulam ng walang sahog.

Hindi liliwanag ang bahay ng walang kuryente.

 

Anong ibig kong sabihin?

The Lord, our  family and friends are with us.

Minsan sadyang ma-pride lang ang tao kaya ayaw humingi ng tulong, thinking na kabawasan ito ng galing o husay.

Pero sa totoo lang, hindi mo dapat isawalang-bahala ang ginhawang mararamdaman  kapag may tumulong sa yo. 

 

“Patuloy na sumubok at mangarap dahil hindi pa huli ang lahat.”

-Chinkee Tan, Wealth Coach Philippines

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anong goals ang gusto mo makamit?
  • Ready ka bang ipagpatuloy ang pangarap?
  • Sino ang pwedeng tumulong sayo?

 

***********************************************************************************************************

To learn more on how to become wealthy and debt-free, please subscribe to my YOUTUBE channel by clicking this link https://www.youtube.com/chinkpositive

Comments (0)

Post a Comment

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link