Minsan na bang sumagi sa isip n’yo kung bakit
may mga taong matagumpay sa kabila
ng panggugulang sa negosyo?
Mga taong mayayaman sa kabila
ng pagnanakaw sa kaban ng bayan?
Mga taong pa-travel-travel na lang
sa kabila ng kakulangan ng pondo sa kumpanya?
Sabi nga ng iba, kabaliwan at kalokohan ito kung tawagin.
Biro pa nga nila, “Saan ang hustisya
para sa mga taong tapat at totoo sa trabaho at tungkulin?”
Apart from this, I know three things that are for certain:
HINDI DAPAT KAINGGITAN ANG YAMAN NA NANGGALING SA MASAMANG PARAAN
Paano ba natin masasabi na ang paraan natin
para yumaman ay hindi nakabubuti?
Tulad ng anong klase ng trabaho o negosyo?
- Nanlalamang ng kapwa negosyante
- Unfair pricing lalo na sa less fortunate customers
- Hindi tapat na pagbebenta ng produkto
- Panloloko sa mga promo at sale
Hindi lang ito, marami pang iba na illegal ang mga pamamaraan
dahil lamang sa kagustuhang yumaman instantly.
Pero hindi dapat natin ito kainggitan o kahit na ano pa man.
Sa tingin ko ay dapat mas maging vigilant tayo.
Vigilant sa negosyo at investment na pinapasok.
Be discerning kung ang motibo rin ba natin ay malinis.
Kasi madalas sa kagustuhan nating maging successful agad,
lahat ng mga pwedeng pagkakitaan ay pinapatulan
even without thinking or planning nang maayos.
HINDI DAPAT MAG-AALALA KUNG ANG IBA AY NAGTATAGUMPAY SA MASAMANG PAMAMARAAN
Sabi nga sa bibliya,
“Don’t worry about the wicked or envy those who do wrong.
For like grass, they soon fade away,
like spring flowers, they soon wither.”
Psalm 37: 1-2 (NLT)
As what also others say, walang masamang gawain
ang hindi maisisiwalat at gayundin sa taong nagtagumpay
sa masamang paraan sa buhay. There is always a way to find out
and render justice for the innocent and poor. So with this, I am confident that the truth will always set us free. Kaya dapat ay….
MANATILI TAYONG TAPAT AT TOTOO SA BUHAY
Ayos lang kung sa tingin natin tayo
yung pinakakulelat minsan sa sales, sa quota.
Pero kung alam naman nating tapat at totoo tayo
sa negosyo at trabaho, lahat ng paghihirap natin ay magbubunga.
Sabi nila, “what you sow is what you will reap.”
Anong mas pipiliin natin? Ang maging mayaman
dahil sa panggugulang at pandaraya, o doon tayo
sa nagtatrabaho nang tama, masipag at malinis ang kalooban?
Sigurado ako na kung pagsusumikapan natin
ang anumang trabaho at negosyo nang buong katapatan,
walang magiging useless. Our labor will not be in vain.
At sigurado rin ako na there will be no room for envy
but of joy and favors from the One who blesses us.
“Ang yaman na nanggaling sa masamang paraan
ay hindi natin dapat kainggitan.”
– Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.
THINK. REFLECT. APPLY.
- Naranasan mo na bang mainggit sa iba na kahit alam naman kung paano nila na-acquire ang mga ari-arian?
- How do you respond from it?
- What self-help can you do to stop being envious of others?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.