Merong nag-message sa aking radio show.
Ganito ang kanyang senaryo:
Siya ay nagtatrabaho pero
ang kanyang extended family ay
umaasa lang sa kanya.
Galit pa kamo ‘pag hindi nabibigyan ng pera.
Bakit nga kaya may mga taong ganito noh?
Tingin sa atin isa tayong human ATM o
parang genie, na isang himas lang, dapat:
“Your wish is my command” na tayo sa kanila.
Para kasi sa kanila:
“Nandiyan naman si Nanay, Tatay, o Ate..”
na puwede nilang takbuhan kapag kailangan
nila ng pera.
Kaya hindi na sila nagsusumikap at
naghahangad na tumayo sa sarili nilang mga paa.
Para sa mga ‘biktima’ ng ganitong pang-aabuso,
ano kaya ang puwede natin tandaan?
HUWAG KUNSINTIHIN helping
(Photo from this Link)
Alam n’yo ba na kapag may tamad, drug user,
palaasa, at palahingi,
10% lang sila ng problema?
90% ay yung enabler o nagkukunsinte.
“Ha? Bakit kami pa ang may kasalanan?”
Ano ba yung sinasabi nating kunsinte…
Ito yung pag nanghingi sila,
magagalit muna tayo,
pangangaralan sila,
tapos bibigyan din naman.
Susuportahan pa din kahit mali na.
Hanggang sa naging habit o cycle na.
Kaya lumalakas ang loob nila
na ulit-ulitin dahil bumibigay naman tayo parati.
STAND FOR WHAT IS RIGHT helping
explain to them(Photo from this Link)
Kung mali, say NO.
Kung alam nating makasasama,
explain to them na ang pera
ay pinaghihirapan at hindi pinupulot lamang.
Ibibigay lang natin kung ano ang dapat at kaya
at kung hindi sapat, sila na ang magpuno by
looking for a job and saving on their own.
TIGNAN ANG MGA PALAD helping
(Photo from this Link)
“Palad as in palm, ano kinalaman nito?”
OO, PALAD!
May butas ba ito?
Wala ‘di ba?
So ang ibig sabihin, hindi tayo ang TAGAPAGLIGTAS.
Feeling kasi natin minsan tayo lang ang inaasahan
kaya dapat natin ito akuin.
Hindi po ito gano’n.
Tulungan lang ang taong
tinutulungan din ang sarili n’ya.
“Pag tinutulungan ang mga hindi nagsusumikap,
hindi natin sila natutulungan, lalo lang natin sila binabaon.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Nangunsinte ka rin ba ng mga palaasa?
- Bakit nila naging habit ito?
- Paano mo sila tutulungan ng hindi kailangan kunsintihin?
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
https://chinkshop.com/
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“MONEY LESSONS FROM CHINESE TYCOONS”
Click here to watch➡➡➡https://youtu.be/UsO9GjdQyA8
=====================================================
DIARY OF A PULUBI
Season 1 Episode 3: ” Travel Now, Pulubi Later”
PER PIECE:
P150+100 shipping and handling fee
BULK ORDER PROMO
50% OFF; FREE SHIPPING
=====================================================
MONEYKIT BUY ONE TAKE ONE IS BACK!
2 Moneykits + 16 Books
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2yPyf6Z
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.