Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • FREE Resources
  • Videos
  • Invite Me

HEALTHY MINDSET

April 12, 2019 By Chinkee Tan

Share ko muna sa inyo one of my favorite verses:

“Be careful how you think; your life is shaped by your thoughts.”
Proverbs 4:23 (GNT)

Have you ever heard yourself say..
“I think, I can’t move on.”
“Sobrang sakit. Ayoko na.”
“Wala nang magandang mangyayari.”

Paano ba tayo mag-isip sa gitna ng pagsubok sa buhay?
Do we just give up and accept things to happen?
Ang problema, hinahanapan dapat ito ng solusyon.

Hindi tayo makahahanap ng solusyon kung titigil na lang tayo.
Hindi natin makikita ang solusyon kung iiyak na lang tayo.
At hindi natin malalaman ang solusyon kung sarado ang ating isipan.

So how do we solve our problems and have a healthy mind?

Take a Reality Check

(Photo from this link)


“Ok. Wala na talaga. Palugi na ang negosyo.”
“Hindi kakayanin ng sahod naming mag-asawa ang pagpapaaral sa mga anak namin.”
“Kailangan ng tulong ng pamilya ng asawa ko… pero kukulangin naman kami.”

“Eh puro negatibo naman ‘yan, Chinkee.”
Yes, at since bahagi na talaga ng buhay natin ang pagkakaroon ng problema, ang mahalaga ay nabibigyan natin ito ng karampatang solusyon.

Having these kinds of issue, anong gagawin natin?
Yes. ‘Yan ang tanong… “Anong gagawin natin?”
Inulit ko pa ‘di ba?

You see, marami sa atin na ayaw lumapit sa iba kasi nahihiya.
Ayaw pag-usapan ang mga problema dahil baka pag-awayan.
Natatakot na baka masisi sa mga pagkakamali.

Pero nandyan na eh. Ayan na ang problema.
Minsan pa nga wala pa pero alam natin na papunta na doon.
Kaya kailanagn pag-usapan at pagplanuhan ang solusyon.
We need to seek

Guidance for Enlightenment

(Photo from this link)


“Kailangan na nating pagplanuhan ito, honey. Anong masasabi mo?”
“Alam ko naman yung pagkukulang ko. Kayo ba paano ninyo nalampasan ang ganitong problema?”
“I need your honest opinion about this situation friend.”

Dito papasok ang mga kaibigan natin, mga magulang at mentors. Mahalagang may support group tayo para kilala natin yung mga taong hindi tayo huhusgahan at may malawak na pananaw sa buhay.

We can learn from them. We can learn from their own experiences.
Then we can make our own choice, our own way to find solution.
We just have to think positive and be determined to try.

Palugi na ang negosyo, baka kailangan ng bagong marketing strategy.
Kung kailangan nang ibenta, dapat may sapat pa rin tayong naipon
para pwedeng makapagsimula at hindi na maulit ang nangyari.

Hindi magkakasya ang sahod para sa pag-aaral ng mga anak?
Siguro kailangan nang magbawas sa mga gastusin.
Kailangan nang mag-ipon habang may panahon pa.

May emergency ang pamilya ng asawa? Kulang na sa budget?
Pag-usapan kung magkano lamang ang kayang maitulong,
Magbawas din sa gastusin at mag-ipon.

Higit sa lahat, we need to

Pray for our Decisions

(Photo from this link)

After knowing the problem and seeking advice from others, we need to pray wholeheartedly for our decision.

“Nawa’y gabayan Ninyo kami upang maging tama ang desisyon na gagawin namin.”
“Sana kayanin naming mag-asawa at ng aming mga anak.”
“Ilayo N’yo rin po kami sa kapahamakan at mga sakit.”

Mahalaga pa rin na matibay din ang ating pananampalataya.
Marami ang pwedeng mangyari, kaya kailangan natin maging positibo.
Kailangan nating maniwala na may pag-asa.

Hindi masama na mag-take ng risks sa mga desisyon natin,
pero dapat we take full responsibility of our actions.
Dahil ang mga pinayo lamang sa atin ay mga options.

Sa huli, tayo pa rin ang gagawa at pipili ng tamang solusyon
para sa atin at sa ating pamilya.

“Sinusubok ng problema ang ating kakayahan para magdesisyon,
kaya kailangan natin ng kaliwanagan para makahanap ng solusyon.”
–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anu-ano ang mga ugat ng bawat problema mo sa buhay?
  • Sinu-sino ang mga taong mapagkakatiwalaan mo at tapat sa kanilang naging karanasan sa buhay?
  • Gaano ka ka-mature mag-isip sa punto ng buhay mo ngayon?

====================================================

WHAT’S NEW?

IPON PA MORE KIT DIGITAL for only P899 instead of P1,098

To order, go to  https://lddy.no/8wsr

IPON PA MORE KIT BOXSET for only P899 instead of P1,349

To order, go to  https://chinkeetan.com/ipmkit

MASTER PROSPECTOR LIVE SEMINAR for P599 (early registration)

To register, go to https://chinkeetan.com/prospector


CHINKTV ALL ACCESS (8 ONLINE COURSES)

for only P1,598 instead of P6,392

To register, go to https://lddy.no/8vbk

Ipon Pa More

How to Retire Before 50

Be A Virtual Professional

Secrets of Chinoypreneur

Benta Benta Pag May Time

Happy Wife Happy Life Live Seminar

Happy Wife Happy Life Online CourseJuan

Negosyante: Negosyo Now, Asenso Later

ONE YEAR Access!

Chinkee Tan

Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.



Submit a Comment



Filed Under: healthy Tagged With: Badyet, Badyet Diary, Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines April 19, 2024
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update) April 19, 2024
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity April 19, 2024
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines April 19, 2024
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024 March 1, 2024
  • LET GOD April 12, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update)
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024
  • LET GOD

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2025 · chinkeetan.com · Team Positive Inc.