Ang sarap umuwi lalo na kung alam mong makakasama
mo na ang mahal mong asawa. Nakawawala ng pagod
at stress kapag nagkita na uli kayo at nagkasama.
So sa gitna ng traffic at napaka-busy na araw, we always
look forward sa pag-uwi natin. Good vibes lang at
nakaka-excite lalo na kung makita mo ang kanyang ngiti.
Kaya mahalaga sa pagsasama lalo na sa mag-asawa
na bigyan natin ng oras ang bawat isa. Kailangan we
give our partner reasons to come home happy.
Here are some ways to strengthen your bond together.
MASSAGE AND MESSAGE EACH OTHER
Maipilit lang. Halos pareho kasi ng spelling. Lol!
Parehong mahalaga rin at nagpapasarap ng pakiramdam
sa isa’t isa. Nakatatanggal ng problema sa mundo.
Ang sarap kasi na may nag-aalaga sa ‘yo. Yung kahit hindi
mo sabihin may bigla na lang hahaplos ng pagmamahal
sa iyo at mapapangiti ka na lang at magpapasalamat.
Masarap din sa pakiramdam yung kahit sobrang
busy at stressful ng araw, pero kapag nakatanggap ka
ng “I love you” na message. Buo na ang araw mo, ‘di ba?
Ito yung moment na mapapa “hay” na lang tayo at
mapapangiti. Ito yung maiisip natin muli kung bakit
natin ginagawa ang mga trabaho natin. Mas inspired tayo.
Kahit napaka-traffic at mahirap sumakay, eager pa rin
tayong gawin ito araw-araw dahil alam natin na para
ito sa taong mahal natin. May purpose ang ginagawa natin.
At kung parehong day off n’yo, don’t forget to
COOK AND CELEBRATE WITH ONE ANOTHER
Yes. Actually, hindi naman kailangan na may occasion
para maghanda. Every day is a special day. Kaya gawin
nating espesyal ang bawat araw na magkasama tayo.
Imbes na maubos ang oras natin kapipili kung saang
restaurant kakain at pagkapili ng restaurant pipili pa ng
pagkain, bakit hindi na lang magluto together ‘di ba?
Mas makatitipid pa at mas mahaba ang bonding ninyo.
Matututo pa kayo ng iba’t ibang dishes together at mas marami
pa kayong mapag-uusapan habang ginagawa n’yo ito.
Hindi ninyo kailangan maging chef o maging magaling sa
lahat ng luto. Ang mahalaga you learn together. You learn
new things and experience new things together.
Always plan together to make a simple celebration and to
bond with one another. Never be occupied with so much
problems and stress in life. Hayaan n’yo na muna yun.
Breathe and get some fresh air.
JOG OR WALK TOGETHER
Maliban sa mas magiging healthy kayo, mapapalapit
din kayo sa nature. Mas makikita n’yo kung ano ang
mga pagbabago rin sa paligid n’yo or sa neighborhood.
Masarap ding tapusin at simulan ang linggo na
magkasama kayo. You walk while going to the church
or even just going to the market or even to the bakery.
Just always make sure to find a you-and-me time. Kung
mayroong “me” time dapat may togetherness pa rin.
Para updated din tayo sa nangyayari sa isa’t isa.
Hindi masaya na sinasarili natin ang mga problema
natin. Mas nakagagaan kung may nasasabihan tayo at
may nakikinig at umuunawa sa buhay natin araw-araw.
So it is important that we always include our spouse
in our prayers. Lalo na kung papasok sa trabaho at aalis
ng bahay. It’s also a way of sending our love to them.
“Marriage is not just about the union of a wife and a husband,
But it’s about two people creating a happier and stronger bond.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang huling message mo sa asawa mo ngayon?
- Paano mo pinapagaan ang kanyang araw?
- Anu-ano ang mga bonding moments ninyong mag-asawa?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.