Nahihirapan ka bang maging masaya para sa iba?
Or may kilala ka bang ‘sing pait ng ampalaya
sa tuwing may magku-kwento sa kanila ng
magandang balita?
Parang ang tigas tigas ng kanilang puso
that they shut everyone out.
Here’s a scenario:
Us: “Wohoo Bes, na -promote ako!”
Them: “Eh di wow!”
Us: “Pa, ikakasal na ako!”
Them: “Sus, iiwanan ka lang din niyan!”
Us: “Friend, may bahay na kami!”
Them: “Utang naman. Haha”
Nakaiinis at nakaiinsulto yung ganito.
Kasi masayang masaya tayong ibalita sa kanila
tapos babarahin lang tayo at aakusahan
ng kung anu-ano without even considering
na baka masaktan tayo.
Ang harsh naman.
Walang ka preno-preno.
Hay, hindi natin maiiwasan makakilala ng ganito.
Yung kahit anong gawin natin at sabihin
they will NEVER be happy.
Bakit ba sila ganito?
THEY HAVE UNRESOLVED ISSUES happy
(Photo from this Link)
Marahil, meron silang past experiences
that lead them to feel that way.
Halimbawa na lang,
tayo nakapundar ng bahay.
Sila, hindi makapag ipon-ipon para dito.
Tayo, na promote.
Sila, laging napapagalitan ng boss.
Tayo, nasa happy relationship.
Sila, kakabreak lang with their partner.
O kaya, tayo, nasa ayos ang buhay.
Sila, halos magiba na sa dami ng pinagdadaanan.
But you see, when we have unresolved issues,
hindi natin dapat ibinabato o dinadamay ang iba.
May pinagdadaanan man tayo,
remember na wala silang kinalaman dito.
Our story is different from theirs, kaya…
LEARN TO BE HAPPY FOR THEM happy
(Photo from this Link)
Ano ba naman yung simpleng:
“I am happy for you.”
“Congrats ah, sige, susubukan ko siyang kilalanin.”
“Ah talaga? God is good sa new blessing n’yo.”
May mga issues man tayo with their news
pero sana, i-set aside muna natin ito
and just give the spotlight to them.
They told us the story because they trust us
and to return the favor, let us just be happy
and let us avoid insulting them in any way.
Huwag natin ipagdamot ang isang bagay
na deserve nilang matanggap.
ACCEPT THAT IT IS NOT ABOUT YOU happy
(Photo from this Link)
Alam n’yo yung famous line na:
“It’s not about you, it’s me?”
If we don’t stop insulting and saying
negative things to them, hindi malayong
makarinig tayo nito.
Because it’s true, it’s not ALWAYS about us.
Hindi ito tungkol sa nararamdaman natin,
opinyon, mapait na karanasan, kundi, tungkol ito
sa achievement ng mahal natin sa buhay.
Kung babaliktarin man natin ang sitwasyon
at tayo naman ay may magandang balita,
hindi ba’t gusto natin na tayo ang ‘bida’ muna
sa mga oras na iyon at hindi sila?
Let us stop being selfish.
Kailangan natin tanggapin na
this is their moment to shine.
Set aside those insecurities
para lumuwag ang ating kalooban
at lumabas ang tunay na kasiyahan sa puso.
“Matutong maging masaya para sa iba dahil ang kanilang ibinalita ay hindi tungkol sa ating nararamdaman, opinyon, o mapait na karanasan, kundi sa bagay na naabot NILA.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Bakit hindi ka masaya para sa kanila?
- May mga unresolved issues ka ba?
- Willing ka bang i-set aside ito at maging masaya na lang sa kanila?
=====================================================
IPON KIT
Click here now: chinkeetan.com/iponkit
1 Ipon kit 450 +100sf
1 Ipon Can + 1 Ipon Diary + 1 Diary of a Pulubi
Or
4pcs Ipon Can + 4pcs My Ipon Diary + 4pcs Diary of a Pulubi
P1,200 FREE SHIPPING!
Click here now: chinkeetan.com/iponkit
IPON DIARY:
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“SPENDING TIPS: 4 SPENDING HABITS THAT YOU NEED TO ACQUIRE
WHEN YOU’RE JUST EARNING ENOUGH”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2mCH2Bs
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 11 Books FREE + 1 Ipon Can
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2DB80TO
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.