Nawawalan ka na ba ng pag-asa?
Feeling mo na wala ng tumutulong sayo at nag-iisa ka na sa mundo?
Nag-iisip ka ba ng di kanais-nais at gusto mo ng bumigay sa laban na ito?
Bago ka mawalan tuluyan ng pag-asa, please take the time to read this blog entry.
Kung may pinagdadaanan at pasanin ka ngayon, hindi ka nag-iisa.
Ang importante, kapag mababa ang iyong moral at tiwala sa iyong sarili.
Huwag mong hilain ang iyong sarili pababa.
Itulak mo ang sarili mo para makabangon muli.
Huwag mong lunurin ang iyong sarili sa problema
Pilitin mo maghanap ng solusyun.
Wala naman mangyayari kung mag-aalala ka at lulunurin mo ang sarili mo sa depresyon. Mauubos ang iyong oras sa kakaisip ng hindi magaganda. Bakit hindi natin gamitin ang mga oras na ito para mag-isip ng solusyun at kung saan tayo mag-uumpisa muli.
Tanggalin na natin sa bokabularyo ang “HINDI KO NA KAYA!”
Hindi sapat ang sabihin mo ay, “KAKAYANIN KO!”
Tanggalin na natin sa bokabularyo ang “HINDI KO ALAM KUNG ANO ANG GAGAWIN KO!”
Hindi sapat ang sabihin mo ay, “AALAMIN KO!”
Tanggalin na natin sa bokabularyo ang “GUSTO KO NA SUMUKO!”
Hindi sapat ang sabihin mo ay, “LALABAN AKO!”
Kahit anong mangyari.
Huwag kang aayaw!
Quitting is never be an option.
As long as you are alive, you should keep on fighting!
Huwag kang titigil!
Dahil tatamarin ka!
Huwag kang bibigay!
Dahil aayaw ka!
Kung hinang-hina ka na at gusto mo ng bumitaw.
THINK. REFLECT. APPLY.
Kapatid, kamusta ka na?
Nanghihina ka na ba?
Gusto mo ng bang bumigay?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help? Here are other related posts:
- MAWALA NA ANG LAHAT WAG LANG MAWALA ANG PAG ASA
- BAGONG TAON, BAGONG PAG-ASA
- PETMALU SA PAGIGING PALAASA
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.