Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • FREE Resources
  • Videos
  • Invite Me

THE HABIT

June 7, 2019 By Chinkee Tan

Hindi ito yung pelikula na sequel ng isang book series.
Allow me to share with you the principles of saving. Alam n’yo
mga kapatid, ang pag-iipon ay hindi lang isang gawain.

Isa sa mga natutunan ko nung bata ako ay kung paano magtabi ng pera kahit kakaunti pa lang ang kita.
Hindi tayo dapat puro gastos lang at puro palabas
ang pera. Kapag may kita, hala sige bili lang basta. Tapos
mauubos na lang wala man lang tayong naitabi.

We should keep in mind that saving is a habit.

MAG-IPON SIMULA SA UNANG SWELDO

“Saka na ako mag-iipon kapag lumaki na sweldo ko.”
“Saka na ako mag-iipon. May kailangan bilhin eh.”
“Saka na. ‘Di pa naman kailangan.”

Tulad ng sinabi ko kanina, saving is a habit. Huwag lokohin ang ating sarili na makakaipon tayo kapag lumaki na ang sweldo natin.

Kahit anong laki ng sweldo natin kung hindi tayo
nasanay mag-ipon, wala rin. Nasanay tayo sa
bili du’n, bili dito, hanggang sa wala nang na-ipon.

Tapos sasabihin natin maliit kasi ang kita natin kaya
hindi tayo makapagsimula na mag-ipon. Wala ‘yan
sa liit o laki ng sweldo. Nasa kasanayan ‘yan ng tao.

Kailangan sa una pa lang at kada sweldo ay may naitatabi
na tayo na halaga para masanay ang ating mga sarili sa ganitong gawain.

Table of Contents

Toggle
  • MAG-IPON HABANG BATA PA
  • MAG-IPON PARA SA KINABUKASAN
    • “Sanayin natin ang ating sarili na mag-ipon kahit paunti-unti upang ang ating kinabukasan ay guminhawa at mapabuti.” –  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
  • THINK. REFLECT. APPLY.

MAG-IPON HABANG BATA PA

“Bata pa naman naman ako. Saka na ako mag-iipon.”
“Kapag ikakasal na ako, saka na lang ako mag-iipon.”
“I only live once kaya bibilhin ko na lahat. Saka na yung ipon.”

Hindi naman kailangan ng tamang edad para mag-ipon.
Wala namang advisable age na dapat sa ganitong edad,
dun pa lang mag-iipon at dun pa lang magtatabi.

Kung ganito ang konsepto natin, kada limang taon
sasabihin na lang natin sa sarili natin na next year na
lang. “Next year na lang ako magsisimula mag-ipon.”

Hanggang sa dumating na yung panahon na mare-
realize natin na ang daming taon ang nasayang na sana
ay nasimulan natin mag-ipon at magtabi ng pera.

Kaya ngayon, simulan mo na. Huwag mong hayaan na
mag-retire ka na lang basta na walang ipon at aasa na lang
sa iba nating mga kaanak o sa kakarampot na pension.

MAG-IPON PARA SA KINABUKASAN

“Ayokong mag-ipon kasi may ma-aaksidente lang.”
“Marami pang kailangan ang pamilya ko.”
“Bahala na. Basta kapag kinailangan na lang.”

Wala pa akong nakilalang tao na nag-iipon para magkasakit
o kaya para may maaksidente. Pero hindi mali at hindi
masama na maging handa at mag-ingat.

Hindi rin naman masama na tumulong sa ating
pamilya at tustusan ang kanilang mga pangangailangan
pero mahalaga rin na may itinatabi tayo para sa atin.

Walang natira? Kulang pa? Gawan natin ng paraan.
Magdagdag ng pagkakakitaan o magsimula ng simpleng
negosyo, pero kailangan ay may maitatabi na.

Hindi yung lumaki nga yung sweldo o may dagdag kita
nga kaso nadagdagan din ang mga gastusin natin, eh
‘di wala ring naipon? Puro labas na lang lahat uli.

“Sanayin natin ang ating sarili na mag-ipon kahit paunti-unti
upang ang ating kinabukasan ay guminhawa at mapabuti.”
–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Magkano ang kaya mong itabi mula sa iyong sweldo o kita?
  • Anong buhay ang nais mo sa iyong pag-retiro?
  • Paano ka makapag-iipon at paano mo ito maipapagpatuloy?
Chinkee Tan

Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.



Submit a Comment



Filed Under: habit Tagged With: Badyet Diary, Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer, Uncategorized Badyet

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines April 19, 2024
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update) April 19, 2024
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity April 19, 2024
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines April 19, 2024
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024 March 1, 2024
  • LET GOD April 12, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update)
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024
  • LET GOD

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2025 · chinkeetan.com · Team Positive Inc.