“For better or for worse,
‘Til death do us part”
Iyan ang pangako ng bawat mag-asawa sa harap ng Diyos mula ng araw na kinasal sila. Sobrang importanteng mapanindigan ang pangakong ito. Hindi naman kasi bawat araw ng marriage life ninyo ay masaya at romantic. There will be hard times na dala ng mga problema at maaaring maging dahilan ng mga away.
Pero kahit ano pa mang hirap, ang mag-asawa ay dapat nagtutulungan maayos. Narito ang ilan sa aking tips on how to fight clean in your relationship.
COMMUNICATE WELL
Be active in communicating with each other. Lalaki man o babae, pantay lang when it comes to the relationship. Iwasang maging passive, o yung tipong tanggap lang ng tanggap ng mga bagay at mga salita galing sa partner mo. Do not hesitate to voice out your thoughts sa kung anumang issues at concerns na meron kayo.
A good communication requires honesty din. Iwasang magtago sa iyong asawa. Mas malala kasi ang mangyayari kapag nalaman ng iyong asawa na may tinatago ka sa kanya. It’s better to come clean from the start, than start a fire of doubt and mistrust later on.
May ibang na nagpapatalo nalang kapag may arguments sa asawa, may iba naman na ayaw din magpatalo. Regardless, talo ka man o hindi, ang resulta ay parehong hindi maganda. Hindi kayo nagkaintindihan. Mas binigyang prayoridad kasi ang pag-iwas sa away, o di kaya ay ang pride.
Naalala mo nung nangako kayo sa isa’t isa? Na magiging magkatuwang kayo sa bawat hamon ng buhay na dumating sa buhay mag-asawa ninyo. Magkakampi kayo, hindi magkaaway. Nagkakaintindihan, hindi nagkakalabuan.
BE FORGIVING
There is no such thing like a perfect relationship. May darating na mga away, di. pagkakaintindihan May panahong makakasakit kayo ng damdamin ng isa’t isa. And that is okay. That is part of every relationship. Pero ang importante sa tuwing dumadaan sa bawat pagsubok, bukod sa proper communication, ay ang pag-amin ng kamalian at ang pagpapatawad. Iset aside ang pride. Hindi iyan sabon na makakapagpalinis sa relationship ninyo.
“Sorry mali ako.”
“Sige, pinapatawad na kita.”
Sobrang iksi lang ng mga sentence na yan. Pero mahirap sabihin kapag pride at masamang emotion ang nananaig. Asawa mo yan, mahal mo yan. Huwag kakalimutan kung bakit kayong dalawa ang para sa ikinasal sa isa’t isa.
BE A SERVANT
May mga pagkakataon na kapag may issues ang mag-asawa, hindi naman kailangan ng mahabang usapan. Ang kailangan lang ay lambingan. Huwag nang magtalo kung sino ang magsasaing, ang magluluto, maglalaba, magbabayad ng bills, maghahatid sa mga bata sa school. Matutong magkusa, matutong magtulungan sa bawat gawain.
At syempre, katulad noong magjowa palang kayo, matutong pagsilbihan ang isa’t isa, lalaki ka man o babae. Para sa mga mister, pwede nyong ipagtimpla ng kape si misis tuwing umaga, bitbitin ang bag nyang mabigat kapag lumalabas kayo, o sa simpleng pagtulong lang sa mga gawaing bahay.
Ganun din naman si misis para kay mister. Tulungan sa mga gawain.
Sa ganitong paraan ay mararamdaman ninyo na nariyan kayong dalawa para sa isa’t isa. Na may kateam o kapartner kayo sa buhay. Dahil ganun naman talaga dapat ang mag-asawa.
“Ang iyong asawa ang iyong kakampi at kasangga habangbuhay, at hindi dapat maging kaaway sa loob at labas ng bahay.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang karaniwang pinagtatalunan ninyo ng iyong asawa?
- Paano niyo nareresolba ang pagtatalo?
- Ano ang pwede ninyo pang gawin para maiwasan ang madalas na pagtatalo?
Watch my YouTube video:
RELATIONSHIP TIPS: How To Fight Clean In Your Marriage | Maintaining A Good Relationship
**HAPPY WIFE HAPPY LIFE LIVE SEMINAR FOR ONLY P799** Click here https://lddy.no/8vdd
IN THIS EVENT YOU WILL LEARN
-About the wrong ideas (myths) about marriage and how to bust them. Replace the myths with truths.
-To have a better and healthier communication between you and your spouse.
-To improve intimacy by understanding what intimacy truly means.
-The role of money in marriage; how to have the right attitude towards finances.
-Learn how your relationship can blossom by knowing and speaking the love language of your spouse
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.