May mga pagkakataon sa buhay natin na napapaisip tayo kung tama pa ba ang ginagawa natin o kaya naman ay kung may mali ba tayong nagawa.
We all have our share of down moments kaya naisipan ko ring gawin ang blog na ito para makatulong sa iba at the same time para na rin mapaalala ko sa sarili ko ‘to
FOCUS ON WHAT IS GOOD
Maraming tao ang nakapaligid sa atin. Sa paglipas ng mga panahon, sa dami ng mga sariling karanasan, alam na rin natin at natututunan na rin natin kung paano kumilala ng iba.
Nalalaman natin kung sino ang mga taong nakabubuti sa atin at mga taong kailangan nating dalhin sa mas mabuting landas.
Pero alam din natin na may mga taong kahit gustuhin natin na sila ay magbago na, mas kinakailangan nila sa ngayon ang ating panalangin. May mga pagkakataon din na mas makabubuti na lumayo rin tayo.
May mga ibang tao na kailangan din nating proteksyunan ang ating sarili at ang ibang taong mahal natin. We have to remember that we should
NEVER BE SHAKEN BY OTHERS
This is most of the time the challenge. We don’t want others to think that we are just playing good. But there is no harm if we protect our mind from them.
Kung puro galit sa mundo ang alam nila, kung lagi na lang paninira ng ibang tao ang lumalabas sa kanila, kung puro pagkukunwari ang nakikita natin, dapat alam na rin natin kung sinu-sino ang mga taong dapat nating pakisamahan.
Alam kong mas mahirap kung nasa loob ng pamilya, may ganitong sigalot o kaya inggitan. Kaya mahalaga ang role ng mga magulang upang mapanatiling matatag ang pamilya.
Kaya huwag kalimutan to
ALWAYS PRAY TO GOD
Kung pakiramdam na natin ay nanghihina tayo, pakiramdam natin tama tayo pero hindi pa rin tayo mapanatag, idasal natin ang ating nararamdaman sa Panginoon.
Kailangan nating paalalahanan ang ating sarili kung sino tayo, kung sino dapat tayo at kung ano ang dapat nating gagawin sa mga sitwasyon.
Huwag nating hayaang madala tayo sa iba at magbago tayo para lamang maramdaman nating “belong” tayo sa grupo.
Tandaan natin na
“Ang Panginoon ay hindi tayo iiwanan kahit kailan pa man.
Siya ang ating gabay na kailangan nating pagkatiwalaan.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Sinu-sino ang mga taong mabuti ang impluwensya sa iyo?
- Paano mo pinapatatag ang kabutihan mo?
- Gaano kalaki ang tiwala mo sa Panginoon?
——————————————————————
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.