The ghost month is upon us.
“Ha? Ano yun?
Well, paniniwala ito ng karamihan sa mga kapatid nating Chinoy— na period ng pag-iingat dahil malapit sa malas.
Mula August 22 hanggang September 19 markado nila ang kalendaryo.
Kadalasan, ibang level ang paghihinay-hinay nila sa kilos, pag-gawa lalo na pagdating sa mga transaksyon.
Usually, nag-hihigpit sila sa pag-labas ng pera.
Umiiwas din muna sila mag-umpisa ng anumang negosyo.
Big NO NO rin ang pagpapakasal at mahabang biyahe tuwing ghost month dahil mas malakas daw ang hatak ng “malas.”
Huwag naman sana mag-tampo ang mga kapatid kong Chinoy.
Certified Chinoy man po ako pero sa totoo lang, hindi po ako naniniwala sa ghost month.
Para sa akin, ang kapalaran, bagamat hindi natin kontrolado nang buo ay pwede nating pag-tagumpayan.
Hindi naka-angkla sa araw, buwan, o taon ang kapalaran.
Sa halip, nakasalalay ito sa ating SIPAG, TIYAGA at DETERMINASYON.
Reality check muna tayo.
Ibabahagi ko lang ang iba pang mga pamahiin tuwing ghost month versus kung ano ang TOTOO nating pwedeng gawin.
GIVE AN OFFERING
(Photo from this Link)
MYTH: Kailangan natin maghain ng 6 na ulam at inumin with rice everyday for the whole month.
FACT: Sa Bible ang sabi “God loves a cheerful giver.” He is also pleased whenever we wholeheartedly offer Him our time, talent, and treasure.
Ibig sabihin hindi natin kailangan hintayin ang ghost month para mag-alay.
Araw- araw natin pwedeng i-share sa iba ang mga God- given talents na kung tutuusin ay mas makabuluhan kaysa sa pagkain.
WEAR BRIGHT COLORS TO AVOID BAD SPIRITS
(Photo from this Link)
MYTH: Yellow, Fuchsia, Orange, or Green— para lubayan tayo ng negatiibong elemento.
FACT: Negativity is a choice. Kung pinili nating uminit ang ulo, magalit, at mainis sa araw na ito, then, iyon ang mangyayari.
May choice tayo kung magpapasanib at bibigay tayo sa kanegahan o hindi.
USE CHARM BRACELETS PARA HINDI MAKA-OFFEND NG IBA
(Photo from this Link)
MYTH: These bracelets control our emotions. Pag suot mo ‘to, babait ka daw at magiging maunawain.
FACT: Again, this is also a choice. Kapag galit tayo o naiinis, we can always walk away and divert our attention to other things para hindi na madamay ang iba.
“Nakasalalay sayo ang kapalaran. PAGTAGUMPAYAN ito!”
-Chinkee Tan, Wealth Coach Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Naniniwala ka ba sa ghost month?
- Anu -ano ang mga pamahiin na pinaniniwalaan mo?
- Gagawin mo pa din ba o dun ka sa tunay na dapat paniwalaan?
======================================================================
What’s new on YOUTUBE:
“How to Learn from your Mistakes and Never Repeat It”
Click here now: http://bit.ly/2vYsnEA
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.