Single Blog

Getting Comfortable?

Kung walang pagbabago walang learning

May favorite ka bang kama?
How about favorite unan?
‘Yun bang kahit napakaluma na at ang tagal na, ayaw mo pa ring palitan?

Kapag tayo ay nasa ganitong kama, hiling natin ay kung pwedeng sana na huwag nang bumangon at huwag nang magtrabaho dahil ang sarap-sarap matulog at magpahinga.

Ganyang-ganyan ang feeling ng nasa comfort zone.
Sa sobrang ginhawa ng sitwasyon sa buhay ay ayaw na nating umalis pa sa sitwasyon na ito.

Ang tanong ko sa blog na ito ay, tayo ba ay nasa comfort zone ngayon?

How will you know if you are?
Do you have the tendency to feel very uncomfortable when there are changes happening?
Do you reject the idea of anything that disrupts your routine?
Do you tolerate the comforts in your life, even you feel that it is not the right thing?

Kung oo ang sagot mo sa lahat ng iyan, malaki ang chance na nasa comfort zone ka nga.

Maaari mong sabihin, “Anong mali kung nasa comfort zone ako?”

Sino ba ang may ayaw ng ginhawa, pero too much comfort can kill us.
Why do I say this? Because being in the comfort zone???

…HINDERS US FROM GROWING

Familiarity makes a task into a routine. Kapag ang isang bagay ay naging routine na lang, ‘di mo na ito kailangan pag-isipan pa dahil muscle memory na lang ang kailangan.

Halimbawa, kapag ikaw ba ay kumakain, pinag-iisipan mo pa ba kung susubo ka o hindi? ‘Di ba alam na ng katawan mo na susubo ka ng pagkain dahil gutom ka at titigil ka lang sa pagkain dahil busog ka na?

Kapag ikaw ba ay humihinga, pinag-iisipan mo pa ba kung ikaw ay i-inhale o e-exhale? Hindi ba nasa sistema na natin ‘yun at di na kailangan pag-isipan pa?

Ganoon din sa buhay. Comfort zones do not welcome challenges. Challenges keep us thinking dahil may something new tayong nararanasan. Kung walang challenge, walang learning. At kung walang learning, walang growth. Sabi nga, “Once you stop learning, you start dying.”

Kaya kung ikaw ay mananatili sa iyong comfort zone, magiging ganap ka na “walking dead” – buhay sa katawan, ngunit dead sa puso at isipan.

…STOPS US FROM SEEING GREATER THINGS

Comfort zones give us the illusion that we are content with where we are. Being satisfied with what we have is good, but what if there are greater things waiting to be pursued?

Sa pelikulang Aeon Flux, literal na kinahon nila ang kanilang sarili sa nagtataasang mga pader para raw i-preserve ang humanity. Pero ‘di nila alam that beyond those walls is a flourishing green forest, abundant with resources – greater than the world they have known.

Kung ikakahon din natin ang ating sarili sa mga bagay na pamilyar o komportable, we will be robbed of the opportunity to have a better life.

What if nag-settle ka to be an employee dahil job security and regular cash inflow ang priorities mo? Pero ‘yun pala, God is calling you to have a business of your own? Dahil takot ka to take risks, napakawalan mo ang opportunity to have a higher income, the luxury of a flexible schedule, and the privilege to create jobs for other people.

…KEEPS US FROM EXPERIENCING THE THRILL OF LIFE

Being in our comfort zone is definitely boring – you see the same faces everyday and do the same work daily. Para ka lang nasa assembly line. You punch in, work, punch out, sleep, and the cycle repeats every single day.

May ibang tao na naglalakas-loob to take a leap of faith to explore their potentials and explore the world! ‘Yung iba na, they choose to leave their jobs to pursue their passion. Others choose to risk job security to provide livelihood for other people.

‘Yung pag-iwan pa lang sa mga “security blankets” na ito ay nakakatakot na, yet it gives us the thrill of life and can eventually give us fulfillment.

Can you maximize the purpose of amusement parks if you choose to just stay on the ground and stroll? No. You need to take courage and ride the rollercoaster or the giant ferris wheel para sulit ang entrance fee!

Ganoon din sa buhay. We need to try risky things to feel that we are truly alive.

In Matthew 14:29, we read that “…Peter went over the other side of the boat and walked on the water towards Jesus.” Sa tingin mo ba, could Peter walk on water kung ‘di siya naglakas-loob to step out of his comfort zone – the boat? Dahil sa faith niya, he and Jesus are the only people to have walked on water! Eh ‘di, nakasama pa siya sa miracle at sa history!

Now the question is, do you want to experience amazing things in life? Then, choose to get out of your comfort zone!
Take a leap of faith today!

THINK. REFLECT. APPLY.

Ano ang comfort zone mo ngayon?
Ano ang gagawin mo to get out of your comfort zone?
What are the things you need to prepare in your leap of faith?

Comments (0)

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link