GALANTE ba tayo masyado?
Yun bang sa sobrang pag waldas natin ng pera
ay daig pa natin yung kakandidato sa eleksyon?
“Sige, sagot ko na ‘yan!”
“Kuha lang kayo, sky’s the limit!”
“P500 lang? Sige kunin mo na ‘yan!”
Ang sarap siguro maging bida sa lahat noh?
Kaibigan tayo ng lahat.
Nakadikit sa atin ang lahat.
Atensyon nila nasa atin na
para tayong hari at reyna.
Eh friendship, matanong kita,
ito ba ay ginagawa natin dahil may EXTRA tayo
o dahil napipilitan lang?
“Lalayuan kasi ako ‘pag sinabi kong walang wala ako.”
“Kinausap na ako nung katrabaho kong mayaman mula nung nanlibre ako minsan!”
“Hindi naman nila malalaman ang totoo.”
Nako nako nako
patay tayo diyan!
Sa sobrang all out natin sa iba
eh baka, ay hindi pala baka,
SIGURADONG wala ng matitira sa atin.
Eh bakit nga ba may mga taong GALANTE?
TAKOT MAWALAN NG KAIBIGAN
(Photo from this Link)
Ang pagkakaibigan, hindi naman pera ang basehan.
Kung gano’n na rin lang,
hindi pagkakaibigan ang tawag diyan
kundi gamitan.
Sa dinami dami ng tao sa mundo
hindi natin kailangan magpakitang gilas
para lang tanggapin tayo.
Mapa sa kumpanya man o sa isang department,
meron at meron tayong pwedeng makasama
na hindi na natin kailangang magpanggap pa.
Someone with the same values as we do.
Na kahit walang-wala o meron man,
they will stick by our side.
HUMAN ELECTRIC FAN
(Photo from this Link)
“Huh? Bakit?”
Mahangin.
Mayabang.
Gusto natin ipakita sa madlang people
na kaya natin bilhin ang kahit ano
ng wala ng isip-isip pa.
Sa sobrang yabang natin,
kahit wala naman sa budget o
kaya kahit na masimot pa ang ating sweldo
go lang ng go, makapagpasikat lang.
Eh bakit hindi na lang tayo mag artista
kung pagsikat na rin lang ang gusto natin?
Haha.
Yabang will make us broke, I tell you.
Kasi pamigay tayo ng pamigay.
And in order to sustain that ‘lifestyle’,
para syempre hindi tayo mapahiya, kapag simot na,
uutang kung kani-kanino hanggang mabaon na ng mabaon.
AYAW TANGGAPIN ANG KATOTOHANAN galante
(Photo from this Link)
Eh sa walang wala na nga tayo pero
pinagpipilitan pa din natin ang ganitong habit.
Shopping
Fine dining
at pa travel travel
…tapos ‘pag dating ng billing
aba’y wala naman palang pambayad!
Tanggapin na lang kasi natin
yung kapasidad natin.
Kung P500 na lang ang nasa bulsa,
huwag gumasta ng P501 pataas.
It’s as simple as that.
Hindi naman natin ikamamatay
kapag inamin natin sa sarili nating
iyon lang ang kaya natin.
Mas makasasama pa
kapag nagsimula na tayong
mamroblema kung
paano na tayo bukas, sa makalawa, o
sa susunod na linggo.
“Ang mga taong KURIPOT, karaniwan sila ang mga taong may IPON.
Ang mga taong GALANTE, karaniwan sila ang mga taong sa utang ay BAON.”
-Chinkee Tan, Filipino Motovational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ikaw ba ay isang GALANTE o KURIPOT pero WAIS?
- Bakit ka masyado galante?
- Paano mo ito iiwasan para naman may matira pa sa ‘yo kinabukasan?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off +2 FREE P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“TOP 8 WORST MONEY MISTAKES”
Click here to watch➡➡➡ https://youtu.be/ZHXbQwcygek
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.