Bakit ba ang iba sa atin ay naguguluhan sa ating buhay?
Ang dami nating gustong gawin pero wala naman tayong natatapos.
Panay umpisa lang at walang tapos.
Bakit nga ba ganito?
Kasi we do not understand the importance of SETTING PRIORITIES.
Ang dami nating gusto. Ang dami nating goals, wala naman natutupad kahit isa.
We need to pause, sit down and assess to know what truly matters to us.
But though setting priorities and goals are good, it is still not enough.
It just helps us to get started, but if we don???t follow through it is useless.
Alam mo ba kung ano ang mga goals mo?
Magandang malinaw at alam mo kung ano ang goals mo.
Halimbawa, goal mo ngayong taon ang magpapayat, makapagtayo ng business, makatapos ng masteral, magpakasal, maglibot sa loob at labas ng bansa, ma-promote sa trabaho, makapagsulat ng libro at makapagpatayo ng bahay.
Lahat yan gusto mong ma-achieve ngayong taon, pero tingin mo achievable ba yan? Sa tingin ko hindi. Sa dami ng gusto mong gawin at mangyari baka matapos ang taon na ito na wala kang na-achieve kahit isa. Busyness is different from productivity.
In order for us to achieve our goals, we need to do the following:
SET PRIORITIES
Ano ba sa mga goals mo ang pinakamahalaga sa iyo?
Ano ba sa mga goals mo na kung hindi mo pinagtuunan ng pansin, madagdagan ang stress mo sa buhay?
Ano ba sa mga goals mo ang magbibigay sa iyo ng kaginhawaan sa buhay?
Yan dapat ang unahin mo. Dahil sa sobra natin gustong magawa, eh minsan nauubos ang oras natin sa mga bagay that will not make us BUSY pero hindi naman PRODUCTIVE. Do you get what I mean?
FOCUS
Focus is the key. Kapag ginawa mo ng sabay-sabay ang isang bagay, hindi maganda at excellent ang result. Pero kung ibubuhos natin ang 100% ng energy, time and resources natin sa isa bagay, siguradong bonggang-bongga ang kalalabasan nito.
Huwag tayo maging “Jack of all trades, master of none”.
Try to pick your task one at a time, hinay-hinay lang.
BE INTENTIONAL
Hindi pwede ang “bahala na” at “pwede na yan”. You need to hit the bull’s eye! Be intentional in every way. Lahat dapat ng decision and choices mo points toward achieving your goals and priorities. Don’t get distracted with challenges, discouragements, happenings and more. Unexpected things happen, kahit anong mangyari, go lang ng go!
BE DISCIPLINED
Train your mind to persevere and endure so you can achieve your goals. Talagang maraming sakripisyo at paghihirap bago marating ang tuktok ng bundok. Ganun din sa totoong buhay natin. Before we can achieve our goals, siguradong pagpapawisan tayo, iiyak tayo, mapapagod tayo, sasakit ang ulo natin, mapupuyat tayo, mahihirapan tayo at kung ano-ano pa. Katulad ni Manny Pacquiao, bago siya naging champion, marami syang disiplina na ginawa sa sarili niya. He committed himself to his goal and disciplined himself so he can achieve his goals.
THINK. REFLECT. APPLY.
Have you set your priorities?
Do you have focus on the goals and priorities you have set for yourself?
Are you intentional and disciplined?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
- MAG-FOCUS SA BIYAYA KAYSA SA PROBLEMA
- Focus On The Good, Not On The Bad
- How To Develop Focus
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.