Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • FREE Resources
  • Videos
  • Invite Me

FOCUS

July 21, 2019 By Chinkee Tan

Bakit kaya maraming tao ang napaka”BUSY”
pero at the end of the day, may nagawa ba talaga?
Ano ba ang definition natin ng pagiging busy?

Isa ito sa malaking pinagkaiba ng isang successful na
tao sa unsuccessful na tao. Yung FOCUS nila sa
kanilang ginagawa at purpose kung bakit ito gagawin.

So in this blog, let me share some things kung saan
mas kailangan natin mag-focus para maging successful
din tayo sa ating buhay at ‘di masayang ang oras.

First we need to..

Table of Contents

Toggle
  • FOCUS ONLY ON FEW THINGS 
  • FOCUS HARD ON OUR CRAFT
  • FOCUS DOWN ON WHAT MATTERS 
  • THINK. REFLECT. APPLY. 

FOCUS ONLY ON FEW THINGS 

Hindi pwede na ang dami-dami nating ginagawa pero
wala naman tayo natatapos dahil puro simula lang ang
ginagawa. Kailangan may target tayo at plano.

Imagine if you want to be an accountant, then gusto
mo rin maging doctor, hindi pwede na pareho mo
itong pag-aaralan at pareho mong profession.

You have to focus on one thing para wala kang ibang
iintindihin at hindi parang ibon ang isip na lipad nang
lipad. Kailangan may direksyon tayo sa buhay.

Dahil kahit kaya nating pagsabayin ang dalawang profession,
meron at meron dapat na doon ang focus natin at dun tayo
mag-invest.

Yes. Pumili tayo ng isa at doon natin i-invest ang
oras at ang panahon. Hindi natin kailangan lipat
nang lipat dahil nasasayang ang bawat sandali.

Para makapili tayo, kailangan we should.. 

FOCUS HARD ON OUR CRAFT

Kung mahilig ka sa arts and crafts at maliban dito
ay may talent ka rin, then dito ka mag-focus. Enroll on
classes or attend workshops to improve more.

To be successful, you have to be one of the best in
your own craft. You have to own your craft and be
determined to show the world your talent and skills.

If you love writing, focus on that craft. Huwag n’yong
isipin ang kikitain n’yo agad sa profession na pipiliin
n’yo dahil ang mahalaga ay mahusay kayo dito.

Kung mahilig kang magsulat at gusto mo ang pagbuo ng
kakaibang mga kwento tapos kinuha mong kurso ay
nursing, will you be successful in that field?

Well, maybe. Pwede kung magfo-focus ka na lang
talaga sa mga activities na makatutulong to improve
your knowledge and skills in that field of expertise.

Because we have to keep in mind that we need to..

FOCUS DOWN ON WHAT MATTERS 

Hindi naman masama na gumawa tayo ng mga
bagay to unwind our thoughts and to relax as well.
But we need to focus on things that matters.

Mahalaga ba ang madalas na panunuod ng TV para
sa ikauunlad ng pagkatao at ng buhay natin? Kung hindi
naman ay gumawa ng mga bagay na tunay na makapag-
papaunlad sa atin.

Ibig sabihin lamang ay pwede naman na manood
pero hindi natin uubusin ang panahon at oras natin
para lamang manood ng buong araw.

Lalo na kung may mga bagay talaga na mas
kailangan gawin at pagtuunan ng pansin sa ating
buhay. Ito na rin ay upang maging epektibo tayo.

Kailangan lamang natin ay ilista ang mga ginagawa
natin at alamin kung alin ang mga hindi makabuluhan
at alisin ito. Kailangan ito para magtagumpay sa buhay.

“Sa buhay, ang kailangan natin ay mag-FOCUS
dahil para maging successful, wala dapat itong hocus-pocus.”
–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  • Ano ang pinakamahalaga mong gagawin?
  • Paano mo ito magagawa nang maayos?
  • Anu-ano ang mga dapat mong iwasan upang magawa mo ito nang maayos?

—————————————————————————-

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos. 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

Chinkee Tan

Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.



Submit a Comment



Filed Under: Focus Tagged With: Badyet, Badyet Diary, Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines April 19, 2024
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update) April 19, 2024
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity April 19, 2024
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines April 19, 2024
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024 March 1, 2024
  • LET GOD April 12, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update)
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024
  • LET GOD

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2025 · chinkeetan.com · Team Positive Inc.