Hindi ito title ng kanta ah. Alam kong marami sa
atin ang may mga pinagdadaanan sa buhay
pag-ibig. May gusto akong sabihin sa inyong lahat.
Alam n’yo ba na kahit anong vitamin C ang inumin
natin ay hindi tayo magiging immune sa sakit?
Huh??? Ano daw yun?
Yes. Hindi tayo magiging immune sa heartbreak.
Meron at merong bahagi sa buhay natin na
masasaktan tayo, iiyak, at malulungkot.
So in this blog. Let me share some ways to cope
with this heartbreak and learn how to survive each
day of our lives whenever we experience pain.
First thing that we have to know is that
MOVING ON IS NOT A JOURNEY, IT IS A FIGHT.
Uulitin ko pa: It is a fight. But this is not an ordinary
fight. Sa laban na ito, kailangan manalo tayo. We
have to win. Hindi pwedeng magpatalo tayo.
“Paano ako mananalo Chinkee, talo na nga ako eh.”
“Nasaktan na ako. Hiwalay na kami.’
“Iniwan na n’ya ako. Ayaw na n’ya sa akin.”
The first thing that we have to do is accept it. Yes!
Alam kong mahirap tanggapin. But again, we have
to win. Para manalo, kailangan natin tanggapin ito.
Kailangan nating tanggapin na wala na. Hindi na
mababago pa desisyon n’ya at hindi na natin maibabalik
pa ang mga nakaraan. Tapos na. Kaya tama na.
Mahirap man ang una nating gagawin pero kailangan
na nating kalimutan at pigilan ang ating sarili na alalahanin
pa ang mga sandaling kasama natin sila sa ating buhay.
Tayo ang dapat gumawa ng paraan para maka-move on.
IT IS A COMPLEX EMOTIONAL INJURY
Kaya kailangan nating gamutin ang ating mga puso
para magkaroon tayo ng panibagong direksyon. Kaya
itigil na natin ang mga bagay na nakasasakit sa atin.
Huwag na nating tingnan ang mga larawan na magpapa-
alala sa atin. Palitan na natin ang mga pinapakinggan
nating tugtog. Huwag na nating i-follow sa social media.
Kung hindi tayo kikilos at lalaban, hindi lang s’ya ang
mawawala sa atin. Mawawala na rin pati ang trabaho
natin, ang social life natin, ang oras at panahon natin.
Kailangan na nating lumabas. Itigil na natin ang pagkuku-
long natin. Tama na ang kakaiyak. Kung pakiramdam natin
na nag-iisa na lang tayo, then get out and explore life.
Hindi natin kailangan parusahan ang ating sarili dahil
sa nangyayari sa buhay natin. Kailangan ay matutunan
natin kung paano ito itama upang hindi na maulit muli.
Hindi lang ikaw ang nagkamali, s’ya rin.
ASK THE QUESTION TO THE UNIVERSE
“Saan ba ako nagkamali?”
“Bakit n’ya ako iniwan?”
“Minahal n’ya ba talaga ako?”
Tanong mo na lang sa universe. Huwag mo nang ubusin
ang oras mo kakahanap ng sagot. Tapos na eh. Wala na.
It’s time to accept it and win the real fight for your life.
Kailangan pa nating mabuhay. Hindi para sa taong iniisip
natin na nakalaan sa atin. Ngunit para mismo sa ating
sarili. We have to be our better version to survive.
Mabuti na makipag-usap sa mga taong makauunawa
sa atin. Umiwas sa mga taong mananamantala ng mga
pagkakataon lamang. Piliing mabuti ang makakasama.
Social group is very important to re-establish ourselves.
Do more creative and more productive things in life. You
have a better purpose. It’s just up to you to make it happen.
“You should stop crying and wasting your life every night,
because you have to be diligent in winning this fight.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang mga natutunan mo sa naging relasyon mo?
- Paano mo aayusin ang iyong sarili?
- Ano ang plano mong gawin sa mga susunod na araw para maging mas makabuluhan ang iyong buhay?
—————————————————–
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
- Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
- Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
- Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.