Ayaw mo na bang sumubok sa pagne-negosyo dahil may nagsabi sayo na malulugi ka?
Ayaw mo na bang sumali sa beauty contest dahil may nagsabi sayo na di ka naman mananalo?
Ayaw mo na bang umibig muli dahil minsan ka nang sinaktan o nabigo?
Kung oo ang sagot mo, ikaw ay nakakaranas ng discouragement.
Sabi ni Mareng Merriam-Webster Dictionary, discouragement is “the act of making people less likely to do something.”
Mapapansin natin sa definition na ito na pinipigilan ng discouragement ang tao para gumalaw, upang abutin ang kanyang pangarap, para gawin ang mga nais niyang gawin. In other words, ang tawag ko sa mga taong ito ay mga “DREAM STEALERS”
Kung ikaw ay nasa kalagayang ito ngayon, may tatlong bagay akong gustong i-share sayo to encourage you.
YOU HAVE A PURPOSE.
Isang kadahilanan kaya sumusuko ang tao at nadi-discourage ay dahil hindi siya naniniwala na meron siyang purpose sa buhay.
Ang sandok ay nilikha para ipanghalo sa niluluto.
Ang lapis ay nilikha para ipangsulat.
Ang cellphone ay nilikha para ipang-text at ipangtawag.
Kung ang mga bagay ay may kanya-kanyang purpose, what more ikaw na tao. Ikaw ay may saysay dito sa mundo.
Maaaring nilikha ka para makatulong sa pamilya.
Maaaring nilikha ka para makagamot ng may sakit.
Maaaring nilikha ka para maging inspirasyon sa iba.
Kanya-kanya tayo ng calling o purpose. Kailangan mo lang hanapin ang sa iyo. Pwede mong ipanalangin ang direksyon mo sa buhay. Pwede ka rin mag soul-searching. Kahit anumang technique ang gamitin mo sa paghanap sa iyong purpose, tandaan mo na may tinakda kang gawin dito sa mundo at tanging ikaw lang ang makakagawa nun.
Ika nga, if there’s pulse, there’s still purpose. Habang buhay ka, di pa natatapos ang iyong misyon dito sa lupa.
YOU ARE BORN TO WIN.
Ang buhay ay hindi katulad ng telenovela na parati na lang kawawa ang bida.
Huwag mong isipin na ipinanganak ka para lang magdusa.
Ikaw ay ipinanganak para magtagumpay, kaya itigil na ang pity party.
Bumangon, lumaban, magtrabaho para ikaw ay magtagumpay!
Isang paraan para matandaan na ikaw ay ipinanganak para magtagumpay ay ang paulit-ulitin itong sabihin sa sarili.
Maaaring tuwing umaga, humarap ka sa salamin at i-encourage ang sarili mo.
Paulit-ulitin mong sabihin sa sarili mo na ikaw ay maganda o gwapo; na ikaw ay matalino; na ikaw ay maabilidad; na kakayanin mo ang lahat; na ikaw ay matagumpay.
Tandaan mo, ikaw ay ipinanganak para magtagumpay.
YOU DON’T NEED TO PROVE YOURSELF.
Kaya ka nadi-discourage dahil hindi mo nakuha ang approval ng ibang tao. Maaaring nag-comment sila ng masama sayo at nasaktan ka.
Ang tao ay hindi mo mapipigilang magsalita ng masasakit. Ang mahalaga ay huwag kang magpapaapekto sa sinasabi nila. Kung kilala mo ang sarili mo at ang kaya mong gawin, di ka maililigaw o mapipigilan ng mga bashers mo sa pagsunod sa iyong pangarap.
You can’t please everybody. Hindi lahat ng tao ay magugustuhan ang ginagawa mo. Hindi lahat ay susuportahan ang mga ideya mo, pero huwag kang ma-pressure, you don’t have to prove yourself.
You don’t need to prove na magaling ka; na karapat-dapat ka. You are special. You are unique. Kung kilala mo kung sino ka, magiging confident ka sa lahat ng desisyon at sa mga tatahakin mo sa buhay. If you know what you”re meant to do, there is no need to prove yourself. Di kailangang mapagod sa kakapatunay sa ibang tao ng mga kakayahan mo.
Kaya relax ka lang at magtrabaho o mag-aral ka nang mabuti dahil kayang-kaya mo yan!
Kung sa susunod na may mag-discourage sayo at pinipigilan kang gawin ang alam mong dapat gawin, tandaan mo na sa salitang “discourage”, kailangan mo lang tanggalin ang harang na “dis” para magkaroon ng “courage”.
THINK. REFLECT. APPLY.
Nanghihina ba ang loob mo ngayon?
Ano ang dahilan ng panghihina ng iyong loob?
Ano-ano ang iyong mga paraan upang harapin ang discouragements ng buhay?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
We hope to bring you light through this article. You can also check on these related articles:
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.