Anong ginagawa mo pagkagising na pagkagising?
Magdadasal ba muna?
Hilamos at toothbrush?
Good morning sa asawa?
O kukunin ang cellphone,
bubuksan ang wifi o data
at magche-check ng Facebook?
Uy sinong guilty, taas ang kamay!
Hindi naman issue ang pagka-adik
natin sa Facebook o social media.
Ang issue dito ay yung baka masyado na
tayong nahuhumaling dito pero
at the end of the day eh
wala naman tayo natututunan.
Wala tayong nakukuhang impormasyon
kundi tsismis sa buhay ng iba:
- Saan nag-travel si ganito ganyan…
- Bakit lumipat ng kumpanya sa ganito ganyan…
- In a relationship na pala si EX…
- Bakit galit ang status ni Bes…
Bakit hindi natin gamitin ito para
madagdagan naman tayo ng kaalaman
na pwede natin mai-apply sa buhay at
siguradong magbubunga ng maganda ‘di ba?
Tulad na lang ng pag-iipon.
“Ha? Paano naman kami makakaipon sa pag pe-Facebook?”
MAGBASA NG SUCCESS STORIES
(Photo from this Link)
I-follow natin yung may mga success stories
para tayo mismo ay ma-enganyo,
ma-inspire, at mangarap na maging tulad nila.
Alam n’yo yung kapag may nakita tayo
na nagtagumpay, sinasabi natin:
“Grabe galing naman nito!”
“Wow paano n’ya kaya nagawa yun?”
From there, follow their journey.
Sila ang ating magiging “LODI”.
Sila yung mga pwede nating gayahin
para yung mga matagal na nating
inaasam asam na sikreto sa pag-iipon
eh baka finally makita natin sa kanila.
I-FOLLOW YUNG MAY SENSE
(Photo from this Link)
Nag pe-facebook na rin lang tayo,
eh makipag usap na din tayo hindi lang
sa taong malalapit sa atin kundi
sa mga taong may sense kausap.
“Grabe ka naman, meron bang walang sense?”
Unfortunately, meron.
Ito yung mga taong panay rant lang,
problema sa buhay, ultimo traffic,
at dami ng trabaho eh bino-broadcast.
“Hay nako sana FRIDAY NA!”
“KAINIS traffic na naman!!!!!”
“Bakit ba kasi may mga lalaking manloloko!”
You know if we let ourselves absorb
lahat ng problema ng ibang tao,
it will only hold us back sa goal natin
na makapag-ipon at umunlad ang buhay
because we feel unmotivated and discouraged.
Kung puro gano’n na lang, we can unfollow.
Huwag sundan yung mga walang maitutulong.
SAVE ARTICLES THEN APPLY
(Photo from this Link)
We usually save a post tama?
Mga recipe, bagong go-to place,
At siyempre mga tips sa pag-asenso o
pag-iipon.
Nandyan ang
- 52-week challenge
- Blind 50’s o yung ‘pag nakakita ng 50, tago kagaad
- Ipon challenge
- At kung anu-ano pa.
Nakatutuwa isipin na we are hooked
with these kind of topics
pero hindi lang dapat save ah
dapat APPLY APPLY din ‘pag may time.
Baka kasi save lang tayo ng save ng articles,
nakiki-comment lang, o
pa-share share ng article para lang masabing
part tayo ng bandwagon pero
wala naman tayong ginagawang hakbang.
Once something hits you, GO FOR IT NOW!
Huwag hintaying mapag-iwanan o
matabunan ng iba pang bagay bago
pa man natin ito magawa.
“Sana kung gaano tayo kaadik sa pagpe-Facebook,
ay ganun din tayo kaadik sa Pag-iipon.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Addicted ka ba sa social media?
- Dito ka lang ba addicted o pati sa pag-iipon din?
- Anong hakbang ang iyong ginagawa para balanse?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off P3,000
Click here: http://bit.ly/2F3GwHa
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“Benefits of Joining the Network Marketing Business”
Click here to watch➡➡➡http://bit.ly/2CMp3OA
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
=====================================================
UPCOMING SEMINAR
“Happy Wife, Happy Life LIVE STREAMING”
Registration: P950 per couple
March 10, 2018
With ONE MONTH Free Access and FREE Book
Click here: http://bit.ly/2ovAfKo
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.