Gusto mo ba ma-bless sa araw na ito?
Gusto mo bang maganda ang buong araw mo?
Gusto mo ba smooth sailing at walang ka negahan today?
You might ask, “Chinkee, possible ba ito?”
My answer is a thunderous “YES!”
WHY? Because feeling BLESSED is a CHOICE.
Mas may tendency tayong tumingin sa mga masasamang nangyayari kaysa sa mga magaganda.
“Hay, naku! Ang liit-liit ng sweldo ko!”
Bakit hindi, “Thank you Lord, at may trabaho pa ako.”
Sa halip na, “Ano ba yan, kailan kami makakalabas sa utang!?”
Bakit hindi, “Thank you Lord, walang sakit ang aking pamilya.”
Imbes na “Grabe, lumang-luma na ang mga damit ko!?”
Bakit hindi, “Thank you Lord, at may nasusuot pa ako.”
In other words, lahat naman tayo ay may choice.
May choice tayong..
Maging masaya o maging malungkot.
Mag-reklamo o mag-pasalamat.
Mainis o mag-pasensiya.
Maging nega o maging positibo.
Para sa akin, marami ako pwedeng pasalamatan sa buhay.
Lord, maraming salamat at…
Gumising pa ako.
Malusog po ako at walang karamdaman.
Nakakalakad pa ako at hindi baldado.
May panlasa pa ako sa pagkain.
Kaya kahit anong mangyari sa ating buhay, maganda man o masama.
Kapatid, may choice ka!
“Feeling BLESSED is a CHOICE”
-Chinkee Tan, Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
Ikaw, nabilang mo na ba ang mga blessings mo sa buhay?
O nakikita mo lang kung ano ang kulang at wala sa iyo?
Ano ang masasabi mo after reading this blog?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.