Ikaw ba ay may business o
may planong magtayo ng business?
Madami na ang nagtatanong sa akin tungkol dito.
Kadalasan, sinasabi:
“Mahirap ba mag-business?”
“Hindi kaya magkaproblema lang ako?”
“Ano ba yung mga pwede kong pagdaanan?”
To tell you the truth, business comes with a lot of challenges.
I’m telling you this hindi para takutin kayo, pero para
mapaghandaan yung mga pwedeng mangyari.
O di kaya, kung may mali na along the way,
ma-correct pa para makabawi.
Let me share with you the top 3 challenges
and how do we overcome them:
CASH FLOW MANAGEMENT
(Photo from this Link)
May kita, pero nauuwi lang sa pagbabayad ng utang.
Malakas nga ang benta, pero after ‘30 days’ naman ang balik.
Matao naman lagi, pero bakit parating gipit?
Araw araw, ganito lang ang nangyayari.
Cycle na lang na parang walang katapusan.
Solution: Proper budgeting and planning
Ilista ang income pati na din ang expenses
para malaman kung saan napupunta,
ano ang kailangan alisin, bawasan o kung
kailangan pa humanap ng extra income.
Kung pautang naman ang problema
baka pwedeng iklian ang palugit
from 30 gawing 15 days.
At ikaw, bilang buyer ng supplies,
ask for a longer payment term
to give you ample time na mabuo ang ibabayad.
MARKETING THE PRODUCT AND BUSINESS
(Photo from this Link)
“Paano ako makikilala?”
“Ano kaya gagawin para lapitan ako?”
Madali mag-business pero parang panliligaw
mahirap manghikayat o makuha ang loob nila.
Solution: Gumawa ng ingay
…to make the people know
that your business exist.
Kung hindi ka nilalapitan, ikaw ang lumapit.
A promo, discount, or house-to-house will help.
COMPETITION
(Photo from this Link)
Sa dami ng pumapasok sa pag bi-business
hindi natin alam kung paano pa tayo makikilala.
Ang daming nagbe-bake, nagtatayo ng tindahan,
may online shop ng damit, at samu’t saring goods.
“So paano na?”
Solution: BE DIFFERENT.
Doon kasi magkakatalo.
Anong kinaibahan mo sa kanila?
Bakit ka nila dapat piliin?
Ano kayang makapaghihikayat sa kanila?
Consider these questions and check what you can still do.
“Maaring may mga problemang dumating, pero masosolusyunan din.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anong business mo ngayon?
- Ano yung mga problemang kinakaharap nito?
- Paano mo ito reresolbahin?
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“ WHAT YOU NEED TO KNOW ABOUT HELPING YOUR FAMILY”
Click here to watch➡➡➡http://bit.ly/2A8jP1V
=====================================================
DIARY OF A PULUBI
Season 1 Episode 3: ” Travel Now, Pulubi Later”
PER PIECE:
P150+100 shipping and handling fee
BULK ORDER PROMO
50% OFF; FREE SHIPPING
=====================================================
MONEYKIT PACKAGE
1 Moneykit + 8 Books
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2yPyf6Z
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.