Single Blog

Encountering Crossroads

13250443 10153642989593034 109576164

Dumating ka na ba sa panahon na bigla ka na lang napatigil at napa tanong sa sarili kung???

  • “Kailangan ko na ba mag-resign sa aking trabaho?”
  • “Kailangan ko na ba magpalit ng course?”
  • “Kailangan ko na ba mag umpisa ng sariling negosyo?”

Kung natanong mo na ang sarili mo nyan, congratulations, dahil naghahanap ka ng mas maliwanag na direksyon o purpose ng buhay.

You are at a crossroad in your life where you need to make a crucial decision that will dictate how you are going to live for the next decade.

Instead of being unsure and afraid, I want to encourage you to think otherwise. Why? I do believe that God has great plans for you, you just don???t know what they are yet.

What are the plans of God for your life?

YOU NEED TO HAVE A VISION

Kaya tinawag itong vision dahil naniniwala ka na nakikita mo ang kinabukasan.

Having a vision is having a hope for the future. Di mo man makita ang finish line, pero patuloy ka pa ring tumatakbo dahil alam mo na may finish line!

Without vision, you are blind; blind to the great future ahead of you and blind na may katapusan din ang lahat ng paghihirap.

For example, ang vision mo ay to graduate with honors. Mag-aral kang mabuti; mag sacrifice muna at wala munang barkada at maraming distractions sa buhay.

Kung ang vision mo ay to have a business, then educate yourself kung paano mag umpisa, save for capital, then start to doing it.

YOU ARE MEANT FOR GREATER THINGS

Normal lang sa isang tao na dumating sa existential crisis. Ito yung mga panahon na napapaisip ka kung bakit ganitong buhay ang meron ka o bakit ka nandito sa mundong ito. At itong krisis na ito ay isang reminder upang i-check ang sarili.

Masaya ba ako sa ginagawa ko?
Ito ba talaga ang nais kong gawin?
May dapat ba akong gawing pagbabago sa buhay ko?

Sabi sa isang linya sa pelikulang Unbreakable ni M. Night Shyamalan, “That little bit of sadness in the mornings you spoke of? I think I know what that is. Perhaps you are not doing what you???re supposed to be doing.”
Kung anuman ang pinagdadaanan mong dissatisfaction sa kalagayan mo ngayon, tandaan mo, you are meant for greater things and it is for you to find out what those greater things are. Once you find that out, make sure you believe it and do whatever it takes for you to accomplish it.

Ano yung greater things na yun? Try mong tanungin ang sarili mo, “If time, money & resources weren???t a problem, what is that one thing you love to do and you want to pursue?”

Encountering a crossroad ay isang season sa buhay kung saan kailangan nating magdesisyon kung saan tayo pupunta. This point in our lives can be a matter of life and death. So, are you going to settle for a mediocre life or a great life?

THINK. REFLECT. APPLY.

Nasa crossroad ka ba ngayon ng iyong buhay?
Alam mo na ba kung ano ang gusto mo sa buhay?
Nasagot mo na ba ang question ko about sa paghahanap ng greater things? Then start to make a list. What are the things you need to do to attain greatness?

Comments (0)

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link