Single Blog

Eat Out Pa More, Gastos Galore

MAGING PRAKTIKAL MAGLUTO NA LANG SA BAHAY KAYSA KAIN NG KAIN SA LABAS PERO PULUBI NAMAN LATER

Lagi ba kayong lumalabas ng pamilya ninyo on weekends?
Ano ang lagi niyong ginagawa?
Hmm???Huhulaan ko. KUMAIN?

Hindi masamang kumain sa labas, as long as hindi masisira ang budget ninyo o mauwi ito sa utang.

Hindi kailangan humantong ito sa stress.
Kung pagod ka na at nakaka-relate ka sa mga sinasabi ko, here are some tips para we can still enjoy eating out with our families nang hindi nawawasak ang ating bulsa.

SHARE OR SPLIT THE BILL.

Hindi pwedeng tayo ang laging gagastos. It???s alright to compromise with other family members or pag-usapan ang ambagan.

“Hindi ba nakakahiya iyon?”

Of course not. Lahat tayo ay kumakayod. Gusto nating mag-ipon, so kung magkano lang ang kaya nating i-share, doon lang dapat iikot ang budget natin sa pagkain sa labas.

“Eh, paano kung isa lang ang may trabaho o kumikita?”

Kung gusto niyo talagang kumain sa labas, it???s okay.
We just need to adjust to what he or she can only afford. Maging considerate sa halaga ng order.

Most of all, huwag i-pilit ang gusto. Always be thankful dahil despite na kapos, o limitado ang budget, ang initiative na magkasama-sama ang buong pamilya should be more than enough.

PLAN ON WHERE AND WHAT YOU WANT TO ORDER BASED ON YOUR BUDGET.

Before you begin ordering, ask yourselves:
“Magkano ba ang budget natin?”

  • Kung P500, look for meals worth P500.
  • Kung P1000, look for meals worth P1000.
  • Kung P2000, look for meals worth P2000.

There are so many restaurants that can meet or cater to your budget. Research muna para magka-idea tayo kung saan at kung ano ang pwedeng i-order para hindi mataranta at mabigla pagdating doon.

Try to look for promos, group meals, combos, or offers, too.

P.S.

SKIP THE DRINKS TO STRETCH YOUR BUDGET.

  • Fruit Shake – P100
  • Iced Tea – P85
  • Milk Tea – P110
  • Coffee – P80

See how expensive these are? Multiply it by the number of people in your family. Ang total ay katumbas rin ng presyo for the main meal, which will definitely blow your budget.

Kaya, skip the drinks and drop the calories!
Enjoy the complimentary water instead.
Last idea is…

EAT AT HOME.

Mag-aral ng bagong recipe at magluto na lang sa bahay.
Pwede rin kayong mag-invite ng mga kamag-anak o kaibigan na magaling magluto para matikman naman ng iba ang ibang specialty.
Ang bibilhin niyo lang ay ingredients sa palengke o grocery.

THINK. REFLECT. APPLY.

What did you learn from this blog?
What can you do to save more and stick to the budget?
Do you have any other good ideas that you can share, so we can save?

Comments (0)

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link