Tayong mga Pinoy, mababaw talaga ang ating kaligayahan.
May nag joke lang, kahit korny, tatawa na agad tayo.
Kahit maliit ang kita, pilit natin pinagkakasya.
Kahit hindi maganda ang serbisiyo ng resto, hinahayaan na lang natin.
Kahit hindi ka nirerespeto ng boyfriend mo, tinitiis mo pa.
Kahit binabastos ka ng ibang tao, binabale wala mo lang.
Kaya nga ito na lang yung natatanggap natin, kasi…
“You receive what you accept in life!”
“Chinkee, are you teaching us to be discontented?”
“Not at all!”
Yes, matuto tayong makuntento sa mga bagay sa buhay, pero hindi ka dapat masiyahan!
“Why settle for anything less if you can have the best?”
Kaya nga, simula sa araw na ito, ito ang challenge ko sayo…
HINDI PWEDE YUNG PWEDE NA YAN!
Dapat yung trabaho natin yung the best.
Dapat tayo ang yung nauuna sa pagpasa ng report.
Dapat tayo ang nauuna pumasok sa work.
HINDI PWEDE YUNG MALIIT ANG KITA!
Dapat hindi dapat sapat lang ang kinikita.
Hindi ka dapat nahihirapan magbayad ng iyong mga pangangailangan.
Hindi ka dapat lubog sa utang.
HINDI PWEDE YUNG MALIIT NA TIRAHAN!
Dapat nakatira ka sa iyong dream house. Bakit ka nagtitiyaga sa bahay na sobrang liit ang space. Lahat abot kamay.
Abot kamay ang ref.
Abot kamay ang hapag kainan.
Abot kamay ang CR.
Pati tulugan, walang nakahiga, lahat nakatayo!
Kung sa shopping, shop till you drop!
Kung sa party, all out tayo!
Kung sa gimik, todo na tayo!
Ano ba yan! Gising mga kapatid!
Lumaban ka, let us stop living in mediocrity.
Let us live life to the fullest.
Ika nga, kung mabubuhay lang tayo, dapat itodo mo na!
“Don’t settle for LESS. Always aim for the BEST!”
–Chinkee Tan, Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Are you living a life of pwede na yan?
- Are you earning just enough?
- Are you living in your dream house?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.