Marami na siguro sa inyo ngayon ang nakatanggap na ng 13th month pay n’yo o kaya naman yung Christmas bonus n’yo.
Ano naman ang ginawa n’yo dito? Syempre hindi naman masama na ipangbili natin ng mga panregalo at para sa Noche Buena.
Lagi rin nating isipin ang halaga ng pera na nakukuha natin.
MAKE IT
Marami ang nagtatanong sa akin kung alin ba ang mas mahalaga, ang makapag-ipon o palaguin ang pera.
Well, para sa akin pareho itong mahalaga. Kailangan ay alam natin kung paano palakihin ang ating kinikita at malaman din kung anu-ano pa ang mga sources of income na maaari nating kuhanan ng dagdag na kita.
SAVE IT
Syempre maliit man o malaki ang ating kinikita kailangan ay alam din natin kung paano magtabi o mag-ipon ng ating pera.
May ilang mga tao kasi na sinasabing maliit ang kinikita kaya walang naiipon. Ang masasabi ko naman ay, maghanap ng ibang pagkakakitaan at huwag sayangin ang mga opportunities na dumating sa inyong buhay.
Kung lumaki na ang kita o kung may mga dagdag kita na, kailangan ay makapag-tabi na para sa ipon. Kasi kahit malaki na ang kinikita kung lumalaki rin ang mga luho natin, wala talagang maiipon kapag ganito.
SHARE IT
Syempre mahalaga rin na makapagbahagi rin tayo sa ibang mga tao, lalo na sa mga nangangailangan. Alam ko naman na alam n’yo na kung sinu-sino dapat ang mga kailangan tulungan.
Lalo na kung matagal na rin kayong nakababasa ng mga blogs ko. At huwag din nating kalimutan na ibalik ang lahat ng kapurihan sa ating Panginoon.
Siya ang source ng mga biyaya natin sa buhay. Maging mapagbigay at mabuti sa ating kapwa at sa Panginoon dahil doble ang blessings na matatanggap natin.
“God blesses us all. So always share your blessings
and never let your faith be ruined by all the sufferings.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano mga sources of income mo?
- Paano mo bina-badyet ang iyong kinikita kada buwan?
- Sinu-sino ang taong nangangailangan ng iyong tulong?
————————————————————————-
A PROVEN and TESTED GUIDE to help you navigate and start your savings journey.
Kaya naman we are launching the Ipon Pa More Kit to help you become a better Iponaryo.
Meron ka nang Ipon Kit, meron kapang one year access to my mentoring course sa ChinkTV.
Available in Digital for only 899 instead of 1,098 (Ipon Kit Digital + IponPaMore Online Course)
Click here to order: https://lddy.no/8wsr
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.