May nakapagsabi na ba sa inyo ng ganito?
“Yung mga natutunan mo sa klase, wala pa sa kalingkingan ng totoong buhay…”
O kaya naman…
“Huwag lang dapat puro kaalaman sa libro, matututo ka rin namang magbanat ng buto!”
Marami na rin akong na-encounter
na mga kaibigang panay ang kwento.
Na yung mga pinag-aralan sa eskwelahan,
overview lang ng working field nila.
Kaya yung iba ang feeling nila parang 1st year college lang.
They have to start from scratch again pagka graduate.
Another training and honing season.
This is the usual scenario for the newly hired.
I have nothing against finishing a degree.
What I’m trying to say is, bilang mga estudyante,
hindi lang dapat tayo makuntento
sa kaalaman na ating nababasa sa libro.
Dapat ay napa-practice natin ito sa totoong buhay.
Ano ang naidudulot sa estudyante na may
tamang diskarte at abilidad?
BUILDS SELF-CONFIDENCE diskarte
(Photo from this Link)
Kasi natututo tayong maging independent.
Nagkakaroon tayo ng bilib sa ating sarili.
Instead of “hindi ko kaya, kasi nahihiya ako”,
Ang tama at ideal ay “kaya ko, kasi nagawa ko na noon.”
Ang estudyanteng matalino na at
madiskarte pa ay malayo ang mararating.
WIDENS KNOWLEDGE AND SKILLS diskarte
(Photo from this Link)
Yung lahat ng natutunan sa eskwelahan
at mga nababasa sa libro ay naisasabuhay.
Nagkakaroon kasi ng actual application
matapos ang theory na nakukuha natin sa lectures.
For example: Natutunan natin na ang pagluluto ng adobong manok
ay may toyo, suka, seasoning, patatas, manok, sibuyas at bawang.
Kung madalas natin itong niluluto,
may posibilidad na makakabisado na natin
every procedure and ingredient.
At maaari nating lagyan ng sariling style
ang pagluluto at maiprove ang lasa.
CREATES EXPERIENCE AND ADDS CREDENTIALS diskarte
(Photo from this Link)
Sabi nila experience is one of the best teachers.
Isipin na lang natin kung tayo ay limited lamang
sa apat na sulok ng classroom nagbabasa,
nakikinig sa lecture at inaabsorb lahat
ng theories na napakinggan.
Ganun lang, walang application.
Walang practice, walang kung ano.
Everything will just be head knowledge.
Sa buhay, maraming bakbakan.
Kung hindi tayo marunong dumiskarte
o kumilos man lang kahit sa simpleng paghahanapbuhay,
tayo ay magugutom at walang iuunlad sa buhay.
“Hindi sapat ang pinag-aralan na natututunan sa eskwelahan.
Tamang diskarte at abilidad ang higit nating kailangan.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ikaw ba ay isang estudyanteng madiskarte?
- Nasubukan mo na bang mag-negosyo while studying?
- Ano ang pwede mong simulan para ma-widen ang knowledge at skills mo on this?
=====================================================
NEW VIDEO
“WHAT HAPPENS IF WE DO NOT PLAN FOR RETIREMENT”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2MAncBT
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit
Other products: chinkshop.com
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.