Single Blog

Did The Miss Universe 2015 Pageant Inspire You?

Maraming Salamat Sa Lahat Ng Opportunity Na Ipanagkaloob Mo This 2015

May hang-over ka pa rin ba sa recent Miss Universe pageant controversy? Buong Pilipinas nakatutok at todo suporta kay Pia Wurtzbach, ang pambato ng Pilipinas. Nandun na yung naka-on ang TV, radyo, cellphone at laptop para sa live streaming. (Pati na yung buong #aldubnation ay nakatutok, kaya for the first time, hindi nag-trending si #EB sa araw na yon.)

Well, that’s just how it is for Filipinos or kahit naman siguro sinong bansa na may kanya kanyang representative. Everyone feels pressured, anxious, and excited every time this prestigious pageant happens.

Why? Because Miss Universe IS Miss Universe.

Pero matanong ko kayo, during the entire pageant, ano ano ba yung mga bagay na naka-inspire sa’yo o yun bang mga bagay na natutunan mo?

“Dapat hindi lang beauty, dapat may brain din!”
“Dapat kapag mag host, aralin muna yung sequence, para hindi magkamali.”
“Dapat kang manood para maka-relate sa pinag-uusapan ng mga ka-officemates or kaibigan.”

Kidding aside, ano pa ba yung mga pwede natin kapulutan ng aral?

BE HAPPY OF OTHER PEOPLE’S SUCCESS
Hindi naman porke’t natalo ka lang, sore loser ka na agad. Maganda at magaling naman sila lahat pero meron talaga na mas deserving. Hindi pa lang siguro time para sa iba.

Halimbawa, muntikan nang si Miss Colombia manalo, pero nanaig ang ating pambato na si Miss Philippines. Ito ay dahil batikan na si Miss Pia sa mga beauty contest, as a matter of fact, this is her third time to join sa Bb. Pilipinas bago siya napili to represent our country.

Ganoon din sa opisina, kung may kaibigan kang na-promote then celebrate with him/her. Huwag nating hahatakin pababa. Or let’s say na naunang nagkaroon ang kapatid mo ng bagong bahay? Complement the family for their hardwork and success. Celebrate and be happy for them. Huwag tayong maging bitter.

THANK GOD FOR THE OPPORTUNITY
Manalo o matalo, it doesn’t give you the excuse not to thank God for the opportunity. Noong unang na-announce na si Miss Colombia yung nanalo, I made a vlog and was congratulating Miss Pia for a job well done. At least kasama siya sa top 3, achievement na yon.

May mentality kasi tayo minsan na “eh ang galing ko naman kasi eh talaga kaya sakin napunta???” No, it’s because of God. He is the one who guided you in your journey. Either way, kapag nag-fail tayo at some point, still thank Him kasi He’s preparing you for something better.

You just need to wait and obey Him.

DO YOUR BEST
Naalala niyo ba yung nagpost sa twitter si Pia Wurtzbach nung natalo si Pacquiao this year? Ang sabi niya “Kalma lang guys, babawi tayo sa Miss Universe”.

The moment when she decided to join the pageant, meron na siyang vision na siya ang mananalo kasi alam niya sa sarili niyang gagawin niya ang lahat for the title— she’ll study, practice, and do her best sa bawat aspeto ng pageant.

Doing our best, regardless kung gaano pa ka-simple o komplikadong sitwasyon pa iyan, will push us harder to be better than yesterday. It serves as our motivation to keep going kahit mahirapan pa tayo along the way. At least, kahit ano pa maging resulta niyan, alam mo sa sarili mo na hindi ka nagkulang and that you believe that???

EVERYTHING FALLS IN THE HANDS OF GOD
Pia did everything she could. Like what I’ve said, she studied, practiced, and did her best. So before the announcement of winners, it was her time to let go and let God make a decision for her.

Hindi natin dapat hawakan ng mahigpit ang ating mga problema, anxiety o fears so that God can take and hold it for you. Allow Him to do the work because He knows what’s best for you at the moment.

THINK. REFLECT. APPLY

May mga bagay bang nangyari sa’yo na nakalimutan mong ipagpasalamat?
Or may mga instances ba na hindi mo nagawa ang best mo na pinagsisisihan mo?
Paano mo ia-apply ang blog na ito para makabawi kang muli?

Comments (0)

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link