Single Blog

How To Develop Self-Control

Madalas ka bang nahihirapan na kontrolin ang sarili mo?
Hirap ka bang kontrolin ang emosyon mo or ang urge na bumili ng isang bagay?

Gusto mo bang ma-improve ang self-control mo?

There are times when we tend to act before we think. Ilan sa example nito ay ang mga sumusunod: Napabili ng laptop na hindi naman afford, nasigawan ang anak, nasaktan ang asawa, nai-swipe ang credit card sa walang humpay na pag-shoshopping, at marami pang iba.

Ang pagiging impulsive ay ang primary problem ng mga taong gustong i-improve ang kanilang self-control.

Pero masama nga ba ang maging impulsive? Hindi, ang masama kung wala tayong self-control.

And how do you develop self-control? This is one rule that I have been personally practicing for the longest time.

ONE MONTH RULE
Everytime na may gusto kang bilhin o gawin, ilista mo iyon sa isang notebook.

Gusto mong bumili ng bagong cellphone? Gusto mong mag-European travel? Gusto mong mag-resign? Gusto mong magtayo ng restaurant? Gusto mong bumili ng sports car?

Lahat ng gusto mo ay ilista mo sa notebook mo then put the date kung kelan mo inilista ang bagay na yun. Wait for thirty days bago ka umaksyon. While waiting ay ibaling mo muna sa iba ang iyong attention so that when the one month is up, you have a clearer mind.

After a month ay balikan mo ang listahan mo and assess if you still want the thing na nakalista sa notebook mo. If wala ng spark, then you saved yourself from the troubles na pwedeng naidulot ng pagiging impulsive. But if you still want the thing, then go for it.

Walang shortcut sa kahit anong habit na gusto nating ma-develop. At ganon din sa pagkakaroon ng self-control. Kaya wag mong madaliin ang one-month rule. Enjoy the journey. Enjoy the days in between. Huwag mong i-stress ang sarili mo kasi remember that good things come to those who wait.

Self-control is a gift from God. Tanging si God lamang ang makakapagbigay sa atin ng grace to control ourselves in every situation or decision. So sa one month na naghihintay ka, pray to Him that He will give you the grace that you need. And that He will give you the wisdom to decide and to act according to His will.

It may have “self” in it, pero ang self-control ay hindi naa-achieve dahil sa sariling kakayanan. Kailangan pa din natin ng tulong ng Maykapal.

THINK. REFLECT. APPLY.

Ikaw, kamusta ang iyong self-control?
If you want to develop self-control, follow the one-month rule.
And don’t forget to ask for God’s help in your journey.

Lack of Self Control Can Lead Us To Trouble

Comments (0)

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link