Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • FREE Resources
  • Videos
  • Invite Me

How To Develop Focus

November 10, 2015 By Chinkee Tan

Naguguluhan ka ba sa napakarami ng gagawin mo?
Ang dami mo bang nakalista sa “to do” list mo pero ni isa ay wala kang matapos tapos?

May mga bagay ka bang gustong ma-acheive pero dahil wala kang focus ay natengga na lahat ng dreams mo?Base sa obserbasyon ko ay napaikli na lang ng attention span ng marami sa atin ngayon. Best example ay ang pagkakaroon ng maraming naka-open na applications sa phone. Viber, Facebook, Instagram, Twitter, Safari, Candy Crush, COC, Music, Email at kung ano ano pa.

Dahil sa “easy access” sa mga different apps ay nakakalimutan na ng marami sa atin what it means to focus. Ang nagiging resulta ay ang pagkaka-distract natin. Ang ending? Dumadami lalo ang pending tasks natin.

So ano ano nga ba ang mga paraan para makapag-focus? Here are two of the most effective ways to do this.

SINGLE-TASKING
Tuwang tuwa ang iba sa atin to declare that, “I am a multi-tasker!” Pero effective nga ba ang pagiging multi-tasker? Maaari sa iba effective yun pero may isang (sa tingin ko) ang mas effective. Yun ay ang pagkakaroon ng single task.

“Single tasking? Sa dami ng dapat kong gawin, pwede ko bang i-apply yan? Baka naman maging smokey mountain na ang mga ‘to do’ list ko!”

Aaminin ko, sa una mahihirapan ka lalo na’t hindi normal para sa karamihan ang single-tasking. Pero eto ang challenge ko sayo, sa dami ng nakalista mo sa “to do” list mo, mamili ka lang ng top two na kailangang kailangan mo nang gawin. Or kung sangkatutak na talaga yang listahan mo ay i-disregard mo muna yun at mag-isip ka ng top two na hindi lang basta angkop sa category na “to do”, kung hindi sa category na “must do”.

Then sa top two na yun ay mamili ka lang ng isa kung saan ka magfo-focus. Try mo lang mag-focus sa isang task even for a few minutes. Twenty, ten, or even five minutes will do for a start. Then you can increase the time na pwede mong ilaan sa pagsi-single task. Ang importante ay magawa mong mag-focus sa isang task lamang.

TURN OFF DISTRACTIONS
Mahirap mag-focus dahil ang dami ng distractions. Pero sa panahon ngayon, ang well-known na distraction ay ang notifications ng different apps na naka-install sa phone natin. Sa tuwing tutunog ang cellphone natin ay di tayo magkandaugaga sa pagcheck kung ano ang latest update. Baka nag-tweet si ganito. Baka may newly engaged na friend mo sa Facebook. Baka may bagong picture sa Instagram si ganyan. Sa kaka-check mo ng notifications mo ay nawala na ang focus mo sa kung ano ba ang dapat mo talagang gawin for that day.

Magandang i-partner sa pag single-task ang pag turn off ng notifications ng phone mo. At least makakapag-focus ka lang sa isang importanteng bagay na walang distractions. At kung naka-off na ang notifications ng phone mo, fight the urge na i-check kung ano ang latest update sa social media world. You can do that later. For now, just focus first on what you should do. Develop that focused mind and focused life.

Wag ka mag-alala, yung mga notifications na yan ay hindi ikakabawas ng pagkatao mo kung hindi mo sila agad ma-check. But accomplishing even just a single task will add value to your life. Magkakaroon ka ng sense of fulfillment kapag na-acheive mo ang focus na kailangan mo. So, make it possible to focus without any distractions.

THINK. REFLECT. APPLY.

Hirap ka bang mag-focus?
Then try single-tasking.
And turn off your phone’s notifications and focus on the task before you.

–Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.

Are you ready to achieve more with a focused mind? You can also check these related article on developing focus:

  • Focus Is The Key
  • The Laws of Success: Law 1 Law of Focus
  • Focus On The Good, Not On The Bad
Chinkee Tan

Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.



Submit a Comment



Filed Under: Focus, Leadership Tagged With: Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Distraction, Famous Speaker in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Focus, focus without distractions, focused life, focused mind, Free Business Seminars Philippines 2017, Keynote Speaker, Motivational Corporate Speaker, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker in the Philippines, Motivational Speaker Philippines

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines April 19, 2024
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update) April 19, 2024
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity April 19, 2024
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines April 19, 2024
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024 March 1, 2024
  • LET GOD April 12, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update)
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024
  • LET GOD

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2025 · chinkeetan.com · Team Positive Inc.