Sa buhay, ang pag-aasawa ay isa sa pinakamalaking desisyon na gagawin natin. Mahalaga na hindi tayo pabugso-bugso sa pagbuo ng desisyon kapag ito ay dumating sa ating buhay.
Kaya naman mahalaga rin matagpuan natin ang taong karapat-dapat nating makasama sa habang-buhay at maging karapat-dapat din tayo para sa taong ito.
Ilan lamang ito sa mga naisip kong mahahalagang katangian ng isang taong karapat-dapat na makasama sa buhay.
MALAMBING AT MAPAGMAHAL
Hindi lamang malambing at mapagmahal nung nanliligaw pa lang, kailangan ganoon pa rin kapag kayo na. Kaya mahalagang kilalanin nang husto ang taong pipiliin natin.
Kaya nga may dating stage ‘di ba? Hindi naman kailangan magmadali at makipag-unahan. Mahalaga ay handa kayo at tama ang desisyong gagawin ninyo.
Huwag kayong magpapadala sa mga kung anu-anong nakikita at naririnig ninyo. Kailangan ay maging totoo kayo at tapat sa isa’t isa dahil dadalhin ninyo ito habang-buhay.
KATUWANG SA ANUMANG BAGAY
Mahalaga ring pundasyon ng isang matibay na pagsasama ay isang malalim na pagkakaibigan. Kapag nagpakasal na kayo, sa hirap at ginhawa na ito. Kaya dapat walang iwanan.
Hindi yung kaunting hirap at pagsubok, ayawan na. Mahalaga na kahit sa simpleng gawaing bahay ay nagtutulungan kayo at may malasakit kayo sa isa’t isa.
At hindi yung pag-aawayan n’yo pa ultimong kung sino ang maghuhugas ng pinggan o kaya maglalaba ng mga damit. Mahalagang pag-usapan ito para mapaghandaan.
MAGALING MAGHAWAK NG PERA
Ito talaga ang pinakamahalaga. Reality talk, hindi naman puro pagmamahalan lang ang sagot sa pagkakaroon ng masayang pamilya at pag-aasawa.
Kailangan handa kayo financially. Hindi naman kailangan na tanungin natin agad yung date natin:
“Oh magkano na ipon mo?” hahaha!
Makikita mo naman ito kung mahilig mag-shopping, mahilig lumabas kasama barkada, mahilig bumili ng branded na gamit, mahilig kumain sa labas, etc tapos alam mo rin kung ano ang trabaho nya, magkakaroon ka rin ng idea doon.
Kaya tandaan na
“Hindi swerte ang pagkakaroon ng mabuting asawa. Ito ay desisyon kung sino ang gusto mong makasama.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anong katangian mo ang nais mong baguhin?
- Paano mo maipapakita ang iyong katapatan sa iyong mahal?
- Anu-ano ang mga pinag-iipunan mo ngayon?
Watch my YouTube video:
Paano Mo Malalaman Kung Nahanap Mo Na Si Mr. Right?
**HAPPY WIFE HAPPY LIFE LIVE SEMINAR FOR ONLY P799** Click here https://lddy.no/8vdd
IN THIS EVENT YOU WILL LEARN
-About the wrong ideas (myths) about marriage and how to bust them. Replace the myths with truths.
-To have a better and healthier communication between you and your spouse.
-To improve intimacy by understanding what intimacy truly means.
-The role of money in marriage; how to have the right attitude towards finances.
-Learn how your relationship can blossom by knowing and speaking the love language of your spouse
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.