Ikaw ba ay isang OFW na kakauwi pa lang,
hindi ka pa nakaka adjust sa jetlag,
eh nandiyan na kaagad sa pintuan
ang mga taong gusto mangutang?
Minsan mo na din bang na-experience
yung katatanggap mo pa lang ng sahod
eh nakapila na sila na akala mo
PBB house ang kanilang sinadya?
Eh yung nabalitaan nilang may bago kang kotse o bahay
biglang non stop ang message sa ‘yo sa FB
na parang BFF ang peg,
samantalang ilang taon na kayo walang koneksyon.
Iyan yung ilan sa tinatawag nating:
DEBT ON ARRIVAL!
Kadadating o kaa-arrive pa lang natin,
ng ating sweldo, o opportunity,
hayan na sila’t nakaabang para makautang.
Maaaring kailangan na kailangan na natin ang pera
pero baka kailangan na kailangan din nila.
Kaya bago pa man tayo pumunta sa kanila
at umasta na para bang simpleng
kendi o chichirya lang ang hihingin…
MAGING SENSITIBO debt
(Photo from this Link)
We don’t know the story behind kung bakit
umuwi ba si kumare o kumpare.
Dahil ba nagbabakasyon lang,
nagkaroon ng emergency,
o kaya baka nawalan ng trabaho?
O kaya baka yung sweldo ng kaibigan natin
ay saktong sakto lang
para sa kanilang mag-anak.
Huwag tayo kaagad mag assume na
porket nandito na sila, nakuha na nila
ang kanilang payslip, o nakaluwag luwag ay
automatic pwede na natin ito utangin.
Atras muna ng kaunti.
HUWAG MASYADONG MADAMDAMIN
(Photo from this Link)
“Pasensya ka na ah, sakto lang eh.”
‘Wala akong mapahiram friend eh.”
Kapag nadinig na natin ang linyang iyan
maluwag nating tanggapin at
huwag ng magtanim ng sama ng loob.
Lawakan natin ang ating pag-intindi
tulad na lang kung paano nila tayo inintindi
nung lumapit tayo sa kanila.
Kung mapahiram, THANK YOU.
Kung hindi naman, THANK YOU pa din.
At least, maayos nila ito sinabi sa atin.
GO TO PLAN B
(Photo from this Link)
Ngayong alam na natin na
malabo tayong mapahiram ng
taong inaasahan sana natin,
proceed to PLAN B!
“Eh Chinkee ano ba yung PLAN B?”
Sell something valuable o yung may halaga
and offer it to friends or family in an amount
na tingin mo ay hindi nila matatanggihan.
- Jewelry.
- Lupa na naka tengga lang.
- Kotse.
- Extra cellphone.
Kahit ano basta may halaga.
“Lugi naman ako.”
No. Mas mahirap kapag
wala tayong naiabot na kahit magkano
sa ating pinagkakautangan.
One more tip?
At uulit-ulitin ko itong sasabihin…
LOOK FOR ADDITIONAL INCOME.
Huwag makuntento sa current salary
dahil kung ito lang ang aasahan,
hindi tayo matatapos lalo na’t naka-alot na ito
sa ating araw-araw na gastusin.
“DEBT ON ARRIVAL: Tawag sa taong mangungutang agad
kahit kadadating pa lang sa bahay n’yo.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Na-experience mo na ba ang debt on arrival?
- Bakit ka nagkautang?
- Paano mo ito sosolusyunan ng hindi masyado abala sa iba?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off +2 FREE P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“10 DEFINITION OF SUCCESS”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2IV5JTt
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.