Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • FREE Resources
  • Videos
  • Invite Me

Negative, Agad-Agad?

November 23, 2015 By Chinkee Tan

Hindi lang natanggap sa trabaho, loser agad?
Nakita lang nagbubulungan ang kapitbahay, pinag-tsitsimisan agad?
Nalugi lang ng isang araw, bagsak na agad negosyo?

Hindi lang nakapagtapos ng pag-aaral, wala na agad kinabukasan?
Na broken-hearted lang, papakamatay agad?Tila automatic na sa atin ang magisip at mag-react negatively. Walang ka-effort-effort ang pagiisip natin ng negative. Kapag may mga pangyayari sa buhay natin, ang nakikita agad natin ay yung negative. Naka-focus agad tayo dun sa hirap, sa sakit, sa pangit, sa kulang, sa mali, at kung ano-ano pang nega. We always fail to see and look at the brighter side; that in everything that happens in our lives, there’s a purpose, there’s a reason, whether it’s good or bad.

Bakit ang dali natin mag-isip ng negative kaysa sa positive? Ano nga ba ang maaari nating gawin para hindi tayo agad-agad nag-iisip ng negative?

Simple lang. Ito ang ilan sa mga pwede nating gawin:

FEED YOUR MIND WITH POSITIVE THOUGHTS
Para masanay ang isip mo sa pag-iisip ng positive things, make sure na nasasala mo ang lahat ng pumapasok at tumatambay sa isip mo. Feed your mind with the good things.

Kung halimbawang may problema na kayong mag-asawa sa inyong relasyon dahil unfaithful ang asawa mo, then huwag ka na manood ng mga teleserye na tungkol sa mga third party o mistresses. Lalo lang mati-trigger ang isip at emotions mo na mag-isip ng negative at makaramdam din ng negative feelings like self pity, bitterness, hatred and revenge.

Kung magagalitin ka at mainitin ang ulo, iwasan mo ng manood ng mga heavy action movies, puro Kalyeserye nalang panoorin mo. Kidding aside, I know you’re getting my point. Piliin mo ang mga babasahin, papanoorin, pupuntahan, papakinggan at papaniwalaan mo.

SURROUND YOURSELF WITH POSITIVE PEOPLE
Kapag ang lagi mong kasama ay madrama, mareklamo, palamura, tsismosa’t tsismoso, mapanira, magagalitin, sinungaling at kung ano-ano pa, siguradong mahahawa ka. Kahit ikaw pa yung taong maganda ang disposisyon sa buhay, masayahin at very positive, pero kung napapaligiran ka ng mga taong ganito nega araw-araw, hindi malabong maging katulad ka rin nila. Maging matalino sa pagpili ng mga taong mag-iimpluwensya sa iyo.

GUARD YOUR HEART
Sabi nga sa Bible, “Guard your heart for it is the wellspring of life.” Sa puso lahat nagmumula at nag-uugat ang mga bagay bagay. Ano ba ang laman ng puso natin? Minsan yung mga taong negative na mag-isip ay may mga unresolved issues sa heart nila. Maybe they’ve been hurt before. Pwedeng na-agrabyado sila, naisahan, na-maltrato at kung ano-ano pang hindi magandang karanasan sa kanilang nakaraan. But the past is past. Wala na tayong magagawa dahil tapos na ito. But what we can do is to focus on the present and pland for our future. Ang mahalaga ay yung ‘ngayon’. Kaya we should check our hearts and guard it from any negative feelings. A clean, positive and joyful heart produces clean, positive and happy thoughts.

THINK. REFLECT. APPLY

Negative thinker ka ba?
Anung klase mga tao ang nakapaligid sayo?
Ano ang kondisyon ng puso mo?

Are you ready to live at peace with negative people? You can also look through these related articles on dealing with difficult people:

  • MAHIRAP KAUSAP ANG MGA TAONG NEGA
  • HOW TO DEAL WITH ‘NEGA’ PEOPLE
  • Bakit May Mga Taong Negative?

Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.

Chinkee Tan

Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.



Submit a Comment



Filed Under: Personal Development, Relationship Tagged With: Bitterness, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Dealing With Negative People, Famous Speaker in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Focus, Free Business Seminars Philippines 2017, Keynote Speaker, Motivational Corporate Speaker, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker in the Philippines, Motivational Speaker Philippines, negative, Negative Ka Ba?, postive, Think Positive

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines April 19, 2024
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update) April 19, 2024
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity April 19, 2024
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines April 19, 2024
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024 March 1, 2024
  • LET GOD April 12, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update)
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024
  • LET GOD

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2025 · chinkeetan.com · Team Positive Inc.